Saturday, January 1, 2011

"Batang Freestyle" The YAN-E of Rabis Agenda Interview


  Isang grupo ng mga Rapper sa Bulacan ay gumagawa ng ingay for more that a Decade na. Isang grupo na nakilala sa larangan ng Freestlye..Ano ba ang agenda ng rabis???  Ladies and gentlemen...Yan-E of Rabis Agenda



CHUCKY:
  Salamat sa panahon pre...unang tanong ko...ano ba ang Arabis Agenda??

YAN-E:
   Ang totoo? Hindi ko alam kung bakit RABIS! basta naipangalan nalang sa grupo..PINANGATAWANAN nalang namin...dalawa kami ng pinsan ko nagtayo ng RABIS...parehas kaming RAPPER...Ang AGENDA ng RABIS is to unite different groups na naka'base dito sa BULACAN...We're operating since JAN.,1998! Medyo LOW PROFILE lang po kami...but its good,kasi isa un sa mga main objective ng grupo,?yung hindi SUMIKAT...

CHUCKY:
  Sino sino ngayon bumubuo ng Rabis Agenda?

YAN-E: 
  RABIS daTUTAH familia,SIBAR familia,SOUL ASSASINS familia,D.G LYRICO familia,EAZPALEKLEK famila,PLEMMA CLANN,VETERANO CREW,BLACK AGENDA familia,ARMAS ng LIAS,at may mga tao din kami sa ibat'ibang bansa..mga tumutulong sa pagpapatatag ng RABIS AGENDA..
  Sa bawat pamilya?nakapaloob ang ibat-ibang grupo...karamihan sa amin FREESTYLERS,dyan kc kami mas nakilala...

CHUCKY:
  Isa pa pala...sa pag freestyle ..dun nakilala ang Rabis Agenda ano masasabi nyo kasi ngayon talagang nakikilala ang fliptop pero madami nagsasabi na hindi naman talaga freestyle yun?

YAN-E:
  Well?para sa'kin?aminado ako na nakatulong talaga ng malaki ang FLIPTOP sa HIPHOP scene especially this year(2010)..madaming mga bar n tumanggap sa mga gigs n of course hiphop related din naman..SINUSUPORTAHAN ko bilang hiphop!pero KINOKONDENA ko bilang isang RAPPER! kagaya nga ng nasabi mo at nasasabi ng karamihan?hindi natin RAMDAM yung espiritu ng TOTOONG FREESTYLE sa paraang ginagawa nila!
(una kong nakapanuod ng FLIPTOP battle?sa movie ni EMINEM,8mile..)

CHUCKY:
   Kilala din ang Rabis Agenda din sa pagiging affiliated sa Dongalo at may ilang mga collaboration din kayo sa mga Dongalo artists. Ano para sa inyo ang Dongalo pag dating sa RAP dito sa Pinas?

YAN-E:
   DONGALO sa PILIPINAS? Of course?Walang katulad! ang matinding agimat kase namen?"MERON KAMING KUYA" meron kaming ulo na kinikilala at sinusunod...
Siguro meron lang makikilala?pero walang makakahiget sa DONGALO! at? "WALA NG BABAET KAY ANDREW E."
in terms of RAPpin? MAS KINIKILALA't nirerespeto dito sa PINAS at sa ibayong-DAGAT!

CHUCKY:
   As a unit, ano ang ginagawa ng Rabis Agenda para makatulong sa RAP sa Pinas at para sa mga members nyo...like events or mixxtapes?

YAN-E:
   We're organizing events,para yung mga newbies makapagparticipate at kahit papano marecognize at maipakita n din nila yung talent nila sa RAPpin.,sa ganung way?i am making moves!at di ko masasabi sa sarili ko na naging walang saysay ang pagiging rapper ko sa ibang may pangarap makapagpamalas ng talent sa RAP..
  Nakapaglabas n din kami ng mga mixxtape d2 sa Bulacan at nagkaroon na din ng chansang makapaglabas ng isang mixxtape under Dongalo Wreckords.. 

CHUCKY:
   Simula nung binuo nyo ang Rabis Agenda sa tingin nyo natupad nyo na yung agenda nyo na to unite mga rappers dyan sa Bulacan?

YAN-E:
   Every events na ino'organize ko? nagkakasama'sama ang mga GANG AT FRAT dito sa area ko.,may mga FRATWARS at GANGWARS din dito sa bulacan..Pero ang ipinagmamalaki ko?sa twing may p'RAP events ako?NAWAWALA ang ALITAN or kung anumang GAP meron sila.,Natatapos ang events ng mapayapa! nakilala ang RABIS?at ang bawat RAPPER na nagre'represent sa mga gang/frat ay sumasapi sa RABIS ang KARAMIHAN..
Sa laki ng BULACAN? masasabi kong nasa 50% palang ako..pero ang pintuan ay hindi ko sinasara para sa mga nangangailangan ng aking suporta..BUKAS ang RABIS para sa mga RAPPERS na kahit papano ay gustong magkaron ng karanasan sa pagtatanghal ng RAP at makaranas ng kahit papano'y SAMAHAN ng maliit na parte ng MUNDO ng HIPHOP dito sa BULACAN..
Hanggang sa ngayon?ang AGENDA ng RABIS ay patuloy o kasalukuyan ko pa din na pinagsusumikapang MATUPAD...

CHUCKY:
   Balita na mag reretiro ka na raw sa RAP? Masasabi mo ba na naka ambag ka o nakatulong in any way sa Rap o hip hop sa Pinas?? May mga tao kasi na sinasabi "rapper ako" gagawa ng kanta,,,tapos na...Bilang isang beterano na tinitingala ng mga baguhan lalo dyan sa Bulacan sa tingin mo may responsibilitad ka din ba sa RAP at sa mga nakikinig nito?

YAN-E:
   (AMBAG)IN A WHOLE? I think so,PERO bago ang lahat?tama din naman na gumawa ka muna ng kanta,para mas may maniwala sayo.,Pero?hindi dapat dun nagtatapos yun!ako kc?kahit papano naman meron akong mga tao na personal na nagabayan,nahubog at nabahagian ng kung anuman ang naabot ko sa industriya nato.,mga taong mas kinikilala o mas nakatataas na sa akin sa ngayon(Dun naman kc ako mas natutuwa,kapag mayroon akong tao na napapa'angat..)
(RESPONSIBILIDAD)OO naman.,Hindi lang bilang isang beterano!baguhan o datihan?basta alam mong dito ka nababagay at ito ang alam mong daigdig na komportable ka?MAY RESPONSIBILIDAD KA.."We all must do our HOMEWORK!"
RETIRO?may mga personal akong dahilan,pero ang sini'sigurado ko?para pa din sa ika'aangat ng RAP music..IBUBULONG ko nalang sayo pag nagkita tayo sa PRO4..hahaha...

CHUCKY:
   Sa Rabis Agenda...pati na rin sa sarili mo...sino sino yung mga rapper dito sa pinas na tinitingala nyo, nag inspired sa inyo at nasabi nyong balang araw makaksama ko din sila sa isang kanta :)

YAN-E:
  Of course? ANDREW E.,DON-G.,JAW-TEE, NASTYMAC(rip)FRANCISM.(rip)

CHUCKY:
   Last word nalang pre..message pra sa mga nangangarap makapasok o subukan ang larangan, sa mga kapatid mo sa Dongalo at sa lahat na nagbabasa nito :)

YAN-E:
   SA MGA NEWBIES? wag kayong mangamba na sumubok,walang masama..Merong kaligayahan sa RAP music na hindi kayang ibigay ng anumang materyal na bagay lalo ang PERA!
   SA MGA DONGALO? gusto kong magpasalamat at ipa'abot na ako'y KUNTENTO na sa anumang narating at naabot ko,syempre sa tulong nyo..
KAY KUYA DREW? Ikaw lang ang HARI..walang ibang karapat'dapat!! Walang "RABIS" kung walang "YAN-E." at walang "YAN-E." kung walang "ANDREW E.".."MARAMING MARAMING SALAMAT PO"
SA MGA MAGBIBIGAY ORAS BUMASA NITO? Hindi po ganun katunog ang RABIS AGENDA at malamang sa hindi nyo ako kilala..GAYUNpaman?nagpapasalamat kami sa inyong panahon..
JERIC ? kapatid salamat sa pagkakataon..ipagpatuloy mo lang ang kabutihan sa kapwa..ang pagkatao natin ay hindi nalalayo! maaari tayong ihalintulad sa PERA!(ang halaga natin ay wala sa tunog!)SALAMAT!

4 comments:

Anonymous said...

ausz 2 kuya sna mbasa din ng iba

Anonymous said...

GaliNG TumBz Up Ako Sa mGa Rabis!! kakaiba sila mAKisama Sa TAO!!!

RoNdO Ng U.S.A

Chucky Jaime said...

salamt tol sa pag daan :)

Anonymous said...

tiga-san po sa Bulacan ang Rabis Agenda?salamat sa sasagot..