With a win with the talent show Showtime and being a member of the wildcard on the Finals, Laguna Clan has a bright future ahead of them. What was it like competing in a national stage and what to expect for the year 2011 for the Laguna Clan...Ladies and gentlemen, Angel Boga ao Laguna Clan
CHUCKY:
Ok guyz salamat sa time..una sa lahat congrats sa pagsali nyo sa Showtime at sa pagpasok sa weekly finals at nasama sa wildcard. Anong klaseng experience para sa inyo ang showtime. Tingin nyo natulungan kayo nito??how?
Angel Boga:
Salamat Chucky.. ibang klase experience namin sa Showtimekc nakikipag kompetensya kami sa mga taong my ibat ibang talento e... this time nag explore kmi at sumali kami sa patimpalak pero ndi "rap contest"... malaki naitulong samin nito.. kahit papano nakikilala kami.. nakakatuwa nga kasi kinakanta na ng mga maliliit na bata ung "magbabago ang buhay mo"... tapos na-experience pa namin na batiin kmi ng mga taong hindi namin kilala... for me thats a great achievement.. ayun talag ang pinaka premyo namin sa showtime..
CHUCKY:
Astig!!! Pano nga pala kayo napasali dun? At sino sino kayo sa Laguna Clan ang nakasali.
Angel Boga:
Napansin kasi namin na bukod s pag gawa lang ng kanta, kailangan nmin gumawa ng way upang mapansin ang kanta namin... isa sa pumasok sa isip namin ang Showtime.... ilang beses kami na turn down sa audition pero bumalik balik prin kami hanggang ntanggap... 4 groups kmi na mgkakasama bilang laguna clan sa showtime..DOWNERS(angel boga & mc chaww), hypeman ng downers na c rich bulahaw, B2DAEM (mordo, nino, wishstick, at syncro), BARICADE (rhaddmack, john p., kulas) at ung 3 ala pang name ung group nila kasi bago palng... dami kami members ng Laguna clan kaso konti lang kmi nakasama sa showtime dahl ngaaral at nagtatrabaho yung iba..
CHUCKY:
Madami kayong member sa Laguna Clan, pero kelan at pano nag start ang Laguna Clan?
Angel Boga:
Nagsimula ang Laguna clan nung 2001.. before ako sumali sa philippine Rap Olympics 1.. at nung nanalo kami, dumami na ng dumami... may nawawala bigla pero my pumapalit... now lang kmi nagkaroon ng pgkakataon gumawa ng mdaming songs dhl la pa kami sariling studio noon...
CHUCKY:
Sino sino mga unang member ng Clan? pati bakit nyo binuo ang Laguna Clan.
Angel Boga:
Ang mga unang members ng laguna clan ay ang "innocentes", "el dorado", "sakuna ng laguna", "b2daem", "3buzz", "lil em", etc.. madami pa... kaso ndi na nagrarap ung iba ngayon.. pero suporta prin cla... binuo nmin ang laguna clan pra gawing pamilya ang mga grupo d2.. pra mgkaroon ng pgkakaisa at sumulong lht sa tulong ng mga projects..
CHUCKY:
Bilang isang grupo..pano nyo matutulungan mga members nyo?? events? mixxtapes?
Angel Boga:
Yup... kasma ang lahat sa plano pra matulungan ang members.. from mixtapes, events, net exposures, etc.. ung iba na wala tlgng pambayad sa studio hindi ko na sinisingil bilang tulong sa member...
CHUCKY:
Pano naging affiliated ang Laguna Clan sa Dongalo?
Angel Boga:
Kasi hawak kami ni mad killah ng salbakutah... kung san sya, dun kami.. utang nmin lahat to sa Dongalo.. at sa events padin ng Dongalo kami madalas pumupunta...
CHUCKY:
Dito sa Pinas...para sa inyo....ano ang Dongalo sa Rap??
Angel Boga:
Para samin, ang Dongalo sa rap ay ang puno't dulo ng lahta... kaya nagsulputan ang ibang rap labels e dahil sa gusto nila maging katulad ng Dongalo.. at kahit itanggi nila, alam nila na hindi sila magiging mas higit o kahit ka lebel man lang ng Dongalo... natatawa nga lng ako sa mga baguhan na tumitira sa Dongalo e.. nakikisawsaw sa isyu o away ng iba pra mkilala din sila.. for me that's the wrong way of getting attention.. sa ibang salita, BULOK... =)
CHUCKY:
Tama...Pero in your own word...Possible ba mag ka pangalan dito sa Pinas ng walang titirahin/beef?? Posible ba musika muna bago beef?kasi sa nakikita ko..gagwa muna ng beef para mapansin saka na sila gagawa ng kanta nila...
Angel Boga:
Sa tingin ko lahat ng artists, kahit hindi rappers, kaya sumikat sa pamamagitan lng ng songs na ginagawa nila ng walang tirahan na nagaganap.. yung mga tao na ginagamit ang beef para mgka pangalan ay pwede ntin tawaging "immature artists"... kasi ginagamit lang nila ang name ng mga tinitira nila e.. it means, ala silang tiwala sa sarili nilang kakayahan.. kailangan pa nila ng controversy para makilala.. sa tingin q thats totally immature.. baguhin na sana yan.. at yung mga taong nakikinig, wag na sana sila makisawsaw kung hindi nila alam ang totoong istorya ng beef.. lalo lng kasi lumalaki.. my mga sumusuporta pa sa mali.. pwede ntin silang tawaging "immature listeners"... hehehe!
CHUCKY:
Kung may isang tao na lalapit sa inyo, may pangarap sa pagraRap, ano ang ma advice mo sa kanya?
Angel Boga:
Gaya ng pinarating nmin sa lahat nung performance nmin s showtime, "wag mong isiping hindi mo kaya"... lahat tau my karapatang mangarap at maaabot mo lamang un kng maniniwala ka... kng anu man ang maitutulong nmin, ibibigay nmin yan...
CHUCKY:
Salamat sa panahon. Last words nalang para sa mga nagbaabsa at ano pa ang dapat naming abangan sa Laguna Clan ngayong 2011.
Angel Boga:
Maraming slaamat din Chuck.. pagpatuloy m lng sna ang ganyan dahil mrami kang natutulungan sa underground... sa mga nakabasa nito, mraaming salamat din at sana magtulungan tayong iangat ang hiphop s pinas... sabi ko nga sa kanta ko (magbabago ang buhay mo), "lahat sana tayoy maging mapagkumbaba/ upang walang gulpihan na magaabang sa bawat pagbaba/ ng entablado. lahat sana tayo kalmado/ upang walang madehado at lahat tayo llamado/"... yun lng mga kapatid.. ang mga projects ng laguna clan this year ay music videos.. iniintay nlng nmin ung handy cam ng dj ng downers na c twisted.. tapos non lakad na. at syempre more songs are coming.. maraming slamat uli sau chucky at sa mga makakabasa nito.. one love.. mabuhay ang hiphop..
No comments:
Post a Comment