Monday, January 10, 2011

Marquiz.." Pampagana E.P." review the methaporic rise of a man....




   Yeah sa unang pagkakataon sa blog na ito…gagawa ako ng review about sa isang album, mixxtape or EP/LP kung anu man twang nyo dun :). Kilala natin lahat si Loonie syempre….at si Don G malamang, at kung nasa Facebook kita malamang kilala nyo si Bugoy na Koykoy. Kilala sila sa paggamit ng MULTI RHYMES, PERFECT RHYMES at METAPHORS  . May isang rapper na taga
La Union  (Dilang Kanto) that uses this things like toys at naglabas sya ng EP for free download  CLICK HERE TO DOWNLOAD noong December sya ay si Marquiz. Eto ngayon ang akin opinion sa EP nya :). Sa beats, pagkakaalam ko si NaughtyDawg ang may sala sa mga beats na masarap sa tenga, sakto sa mga kanta, hindi yung beat na mapapakamot ka at sasabihin mo "taena bakit ganyan beat??hindi bagay” wala ni isa ang off beat .
   I've been a fan of the whole Dilang Kanto crew kasi yung mga combo nila,  perfect for each other na they compliment one another in means of talent kahit na magkakaiba sila ng style. Sa song na "Lipad" for example mas kalmado ang boses ni A-Twist bagay sa medyo mas rugged na boses ni Marquiz at banat nila dito ay naka kakalma..chill mode lng . Sa "Hindi ko kailangan" na song, maangas sya…ang lupit,bakit?? dito sa song na to pinakita nay na talagang sya ay "on a league of his own". Lyricism na napakalalim na hindi entertaining para sa mga mababaw ang isip. He is literally saying that he doesn't have to be cheesy para makilala at hindi rin naman bagay sa kanya magpaka babaw just to be noticed.
    Karaniwan kapag ang isang rapper o kahit singer kapag gumagawa ng love song eh lumalabas ang kanilang sensitive side at nagiging cheesy ang labas (opinion ko lang po yun) .  Ang mga kantang  "GRACE ","Ayaw ko Ng Tumama", "Hurt",at "when you smile" ay mga love song na yes..it shows the sensitive side of Marquiz pero damn….it would make you appreciate Marquiz as a "person" bakit???eh bakit hindi??pag hardcore ka mag rap o gangster dating hindi ka na ma iinlove?? suss!!!! Very emotional songs na andun parin yung “edge” nya…. Sa track na “Obserbasyon” medyo hindi ako natuwa :D don’t get me wrong…magandang skit na may freestyle something..pero narinig ko na kasi yung ganun…twice, dun sa album ng STICK FIGGAS at sa album ni Loonie. Nothing special there pero nakakatuwa kasi parang kilala ko yung tinatamaan dun :D. SA kantang “Ako nga pala si”..maganda rin syempre ang isang rapper dapat may kantang mag introduce sa kanila “My name is” ni Eminem “ako si Gloc9”  pati isang song ni Bugoy dati hindi ko maalala pamagat. Maganda yung song paa mapakilala nya sarili nya…pero sa title…mmm..generic..(sorry tol)
Sa kantang “Pinaka mahabang Intro” at “Pampagana” pag narinig definitely will remind you with a young Loonie na may konting Don G on the side…bakit?? Pakinggan nyo malalaman nyo. Sa mga kanta naming “dahil sa rap”, “breathe” ,“ready for love” ,“sa Entablado” makikita nyo bukod sa metaphors at lyricism nya eh yung pagmamahal nya sa Rap..corny??hindi..para sakin dapat ipapakita mo din sa kanta mo kung ano ang RAP para sayo,respeto mo hindi lang sa tao kundi sa musika mismo  at syempre ang kantang pinaka mabigat sa buong EP para sa akin “Abutin ang Tala feat Ckatorze” para sa akin etong dalawang to pag nabigyan ng pagkakataon…would definitely turn heads ngayong taon na to…Opportunity lang..isang shot bigyan nyo itong dalawa pupusta ako masasabi nyo na kasama sila sa “future” ng rap sa Pinas… 
   All in all para sa akin…malupit ang “Ang Pampagana E.P.” sa beats (naughtydawg wadap!!) lyricism, metaphors , you will have a glimpse of what the future of RAP in the Philippines would look like... peace out..opinyon ko lang mga to…hindi kayo agree?? Sorry kayo blog ko to!! hehehe ...
Dont like me?? Bite me!!!! __chucky

"On a personal note ang mindset ko is to make mind boggling tracks with the use of real facts as metaphors. Kaya sometimes I dont endorse people to listen to my music kasi not everybody wants analyze things while listening to a song tingen ko." ___ Marquiz

2 comments:

Anonymous said...

i'm a fan of marquiz..... -ckatorse

Anonymous said...

pogi marquiz :)