DFT (Dirty Fuckin' Teenager), (Dance Floor Terrorist), (Disciples From Temple) from Dongalo Wreckords and they made 3 albums with hits like "C-Noba?" and "Sabihin mo sa ate mo" here is an interview with Boo-G of DFT . Balik tanaw sa nakaraan and know what to expect from DFT ( a reunion album perhaps)
Chucky:
Salamat sa pagkakataon... a little history muna behind DFT ,
paano nagsimula ang isang maalamat na grupo :)
Boo-G:
DFT nabuo nung 1991 as a dance group.Back up dancer of Bass Rhyme Posse. We meet in PULSE disco in Pasay road. When they were promoting their album BRP. We started to back up them in Andrews E's Gamol Live tour in EARIST. After that when BRP were no longer active, we decided na magbuo ng rap group. Kasi si Twisted may mag kantang naka ready na so naghahanap nlang kami ng magpproduce sa amin.I was working as a P.A of Father and Sons ( who sing miss na miss kita) and we have a friend named Bigtime (who sing salangit wala ang beer) na nag inganyo sa amin na gumawa ng album and that time na sya ang nagproduce ng 1st album namin DFT (rappers TWISTED,BOO-G & MC DREAMER dancer YELLA FELLA, MALVIN, BUBOY, ROGER,EMAN,). We made that album in two weeks only kasi minamadali kami para sa promotions nila.So we made that album just to enjoy.Then after a few months na ilabas namin yung album. Nagkita kita kami nila Andrew (Andrew E.) sa Megamall. And sabi nya na kung may mga kilala akong mga rap group kasi gusto nyang magbuo ng group. So dun na umpisa ang Ghetto Doggs. Nung kinuha kami ni Andrew wala na si MC dreamer sa amin. Kaya pumalit sa kanya si YELLA FELLA at wla na rin kaming dancer nun. After that, tuloy tuloy na hangang nakagawa kami ng album under Dongalo Wreckords producde by Andrew E distributed by Concorde Records. After that, nagpaalam kami kay Andrew na gusto naman namin na gumawa ng sarili naming album and produce also so ni-released nya kami at pinagpatuloy namin ang 3rd album sa Concorede pa rin. So until now buo pa rin ang DFT at wlang magbabago dun...
Chucky:
Cool...ang nagbago lang eh naging busy kayo sa mga trabaho nyo na yun ang reality, need nyo to have a day job right? Kaya tumahimik. Yung sa last album nyo how did you guys decided to lay low muna nung nawala kayo sa scene?
Boo-G:
As of now alam mo naman may mga pamilya na kami except for Yella Yella na ewan ko hangang ngayon binata parin.hehehehe... Well actually hindi naman kmi nawalan ng communication sa isat isa eh. We still having some gigs even na sa pinas kami. Pero priority namin yung family namin slemper. Nagkaron kmi ng mga pamilya kaya nag lay low muna at pinalad kmi na makapag abroad kaya grab namin agad at di lang yun, magksama pa kami sa isang bansa ni Twisted yun lang, gusto nmin kunin si Yella kaso mukhang ayaw pa ata kasi nga gustong magkaron ng pamilya kaya nsa kanya yun.Pero nandun parin yung communication. Dito sa Dubai pinagpapatuloy parin namin ni Twisted. Actually dito sa Dubai pumirma si Twisted ng contract for artist kaya gumagawa kami dito ng album. Every time na may occasion sa isang club ng gguest kami specially sa Ratsky Dubai. So pag natapos yung album tsaka nmin dadalhin sa Pinas. Tie up ng isang company dito ung company dyan sa Pinas. Medyo busy kasi sa work kaya di namin maatpos tapos eh. Tsaka kulang isa kmi. Hopefully this January uwi kmi para matapos yun album at ilabas dto sa Dubai, kailangan kasi nmin si Yella para sa part nya eh. So nasa matapos agad at magkaron comeback album ang DFT.hehehehe....
Chucky:
Kasama kayo sa first batch ng Dongalo artist at sa original Ghetto Doggs, paano ang atmosphere noon sa Dongalo kasi diba noon halos lahat ng ginagawa nyo una kayo. Dongalo was breaking grounds nung mga panahon na yun at hanggang ngayon madami nagsasabi na yung first batch na yun madami na inspired na maging rapper ngayon.
Boo-G:
Yup, isa kami sa mga original Ghetto Doggs. Kasama namin ang oblaxz, IPK, Madd poets, Chinese Mafia at si Syke late na pumasok ang BB clan nung magkaron ng DM (95.5).Marami samin nangyari nun, halos everyday nasa studio kami minsan dun na kami natutulog.Halos ilang buwan din kaming magkakasama sa isang bubong. Kahit san pumunta din at magpromote si Andrew nandun din kami. Well masaya at mahirap din nung mga panahon na yun. Almost 1yr kaming nagconcentrate sa album(R.A.P, Ghetto Doggs album at 2nd album of DFT). May mga nawala, may mga nagreklamo, at nagpalit ng member.Well di mo mawawala yun sa group unless kung maganda yung samahan ng group diba? Kay Andrew kami natuto lahat maski may 1st album na kmi nun. Maski tanong mo sa lahat ng kasama namin sa Ghetto Doggs, si Andrew ang naghubog samin kung baga. Kahit san kasama nya kami madalas ako kasama nya minsan nagbbeatbox ako sa mga gigs nya, minsan hypeman..hehehe...
Anyway... sa paggawa namin ng album di mawawal samin yung on the spot lyrics, mahilig si Andrew sa mga ganun sa recording. Especially nung ginawa namin yung 530 Sta. Rosa, Nicnak Patty at iba pa. Lahat ng idea kay Andrew kaya siguro maganda ang labas nun 1st batch ng Ghetto Doggs. Tsaka iba iba ang flow ng mga bawat group at identity. Tulad namin, iba ang flow namin sa IPK, OBLAXZ, sa Mad Poets sa Chinese Mafia at BB clan. So sa tingin ko nung 1st batch ng Ghett Doggs nandun na lahat. Kumpletos rekados na. Pag gumawa kami ng lyrics, lahat kami nakikipag communicate para gumanda yung album mapa lyrics or beats. Hindi kmi gumagawa ng sarili namin move lahat kami gumagalaw. Kaya siguro maganda yung labas ng album.
Chucky:
Napaka ganda..yung Ghetto doggs cd ko nga na unang album binibili sa akin ng 1000 ayaw ko...Ganun ka precious ang unang album ng Ghetto Doggs..After ng Born to kill the devil, nagsimulang nag alisan mga artist ng Dongalo to form MadWorld. Did you ever consider joining them?
Boo-G:
Di ko alam yung MADWORLD eh.Pero alam mo, nung nakagawa ng album ang oblaxz kay Andrew sinunod nya kami. Binigyan kami ng opportunity ni Andrew kung ano ang gusto namin after ng 2nd album namin. Binigyan nya kami ng tip kung ano ang mas magandang gawin. After ng album naming Sabhin mo sa ate mo? nag usap usap kaming tatlo na gumawa naman ng sarili naming project yung bang samin lahat alam mo na. Nagpaalam kaming tatlo ng maayos sa kanya pinayagan nya kami at pumirma ng contract na maaari na kaming makagawa ng album sa ibang company. Mula nung nagstart kaming magpromote ng 2nd album, wala kaming nakausap ni isa man lang sa mga naging kasama namin sa Ghetto Doggs maliban lang kay Paulo (Cain of El Latino)na madalas kaming nagkikita pero di namin pinaguusapan ang mga past. Bonding lang ng barkada ang mga nagyayari samin nun kaya nagkaron kami ng spot for him to guest in our 3rd album. Umalis kami kay Andrew na wlang tampo o galit sa kanya at sa iba naming kasama. Basta gusto lang namin na mangyari eh makagawa nang sarili naming album na kami kami lang. Actually nagawa na namin yung gumawa ng sarili namin yung CNO BA? album. Kaso hindi masyado napaghandaan yun kaya gusto namin ulitin. Anyway ang pagsali sa sinasabi mong madworld , wla kaming alam dun. Di rin kami sasali sa ibang group kung siraan din ang illabas Magkakababata kaming tatlo kaya alam namin ang gusto ng isat isa. Kung ano man ang gusto ng mga ksama nmin dati sa Ghetto Doggs malaya silang gawin yun wlang makakapagpigil sa kanila. Basta kami tahimikat music lang ang gusto namin. Makapagbigay saya at makapagbigay inspirasyon kung anoman ang nilalaman ng bawat album namin . kung igguest lang sa kanta wlang problem basta no dissing people diba?
Chucky:
Wow well said, ang galing kung ganyan ang state of mind ng ibang rapper dito sa Pinas wala na sigurong masyadong gulo . Napaka bihira nyan..mga rapper na ayaw ng beef,
sa panahon ngayon?? ano masasabi mo scene ngayon?? Mga rapper na nag stand out ngayon?
Boo-G:
Well masasabi ko maramng magagaling na lumabas. Marami din hindi magandang pakingan para sa akin ha... Di mo maalis ang beef sa rap scene eh, dyan nagsimula ang rap."battle" sa US. Kinuha natin sa kanila to kaya di rin maglalaon ganun din lalabas diba? Nasa tao yan kung yaw mo or gusto mo makigulo. Pinalaki kami kasi ng magulang namn na ganito kami eh wlang inggit sa isat isa. Basta kami masaya kaming 3 at nagkakaisa. Hangang ngayon actually bonding ng family namin di mawawala yun. Lalo nat may mga anak na kami sila rin ang magkakalaro. Siguro sa mga naglabasan bigayan lang ang kailangan dyan para di pumangit yung imahe ng rap artist at rap industry natin.Basta may maiiwan silang nakamarkang matatandaan ng tao sa paglipas ng panahon dia?
Chucky:
Tama..Thanks for the time...Last word nalang po para sa mga fans..Rappers at sa mga nangangarap na maging rapper din....Pati ano po ang dapat naming asahan sa new album nyo .
Well masasabi ko lang sa mga nangangarap maging rap artist, pagpatuloy lang nila yan at pagbutihin wag ilagay sa ulo ang mga nagaganap na pagunlad ilagay sa puso lalong lalo na maging mapagkumbaba sa lahat na nakakamit. umangat man kayo ang paa plagi nasa lupa. Hiram lang natin lahat ang nagaganap kaya i-treasure nyo yan. Sa mga fans ng DFT, maraming maraming salamat na wlang katapusan na salamat. Kung ano man ang naumpisahan ng DFT hindi magbabago yun at hindi matatapos yun hangat buhay kami. Sa mga nakikinig at nagsusubay sa amin asahan nyo may ksunod pa ang iniwan namin, at buong buo ang DFT. Panalangin nlang natin na maatpos ng maaga para mapakingan nyo na.hehehehe.... at syo Jeric, salamat sa pagtangkilik mo samin di lang sa buong Ghetto Doggs, sa lahat na lumalabas na group. Pagpatuloy natin sa pagtangkilik ng rap music ng pinoy. Asahan nyo sa DFT mula sa production, clothing, at music. lalabas namin yan sabay sabay as soon as possible!!!!! peace out!!!!!
10 comments:
hi meron po bang dl link ng album?
http://www.mediafire.com/?jn1tzet6kdpunbr
AStig siguru na may damit na "Sabihin mo sa ate mo" hahaha. or "Sinong Umotot?"
much respect DFT. tnx chucky
Hinanap ko to ah...at last nakita q din hehe....well said.. God bless and more power guys.. :)
DT GD ang kakasa...mga idol
DT GD ang kakasa...mga idol
salamt
2021 here 😁 long live DFT.. Tatak Dongalo 👌💪💪
Post a Comment