Maluwang na pantalon, naglalakihang bling bling, sumisigaw at nagmumura sa kanta, o puro tungkol sa love ang kanta, yan ang typical na rapper ngayon (hindi lahat..peace!!) . Pero there is one guy that is breaking the mold. Kahit na ang damit nya ay di maluwag, hindi basugulero pero hindi din duwag. (ok na ren) Kilala sya ngayon sa mga videos na kinakalat nya sa youtube and slowly he is having a cult following at taga Dongalo Wreckords sya.
ish yo boy bugoy na koykoy! lets get to know ang Pharell ng
Pinas a little better..
CHUCKY:
Medyo...(hehehe medyo) madami na nakakakilala sayo now...pero a little background muna about sa 2 former groups mo...at pano ko nasali sa mag yun.
Bugoy Na Koykoy:
Galing ako sa grupong SUNOGBAGA (2002) at sa grupong
GRUPO NI BERDUGO (2008). Magkaibang-magkaiba na klase ng grupo. Yung SUNOGBAGA days, mas wild lifestyle namin nun. Alak, party, hapon na gumising, chicks, tambay at kung ano ano pa. Para kaming mga unggoy sa city na nanggugulo lang. Yung GRUPO NI BERDUGO naman chill lang. Pool party, BBQ, punta sa mga relax na lugar, beach at kung ano ano pang gawain ng mga matatanda hehehe. Wala akong mga kapatid na lalake pero yang dalawang grupong yan ang mga kino-consider kong brothers. Yung mundo namin dati umiikot lang sa music, and its cool kasi kadamihan ng mga malulupit na experiences namin sa life ay dahil sa pagrarap namin. Kaya malaking part talaga ng buhay namin ang music. Jan namin naranasan ang ma-VIP treatment sa mga party, makasama ang mga sikat (Andrew E, Parokya, Kamikazee, Gloc9, Mastaplann etc.), nagkaroon ng maraming kaibigan, naging kaibigan ng mga OG sa lugar namin (lakas kapit baby!), at nakakilala ng mga beautiful ladies!!!
CHUCKY:
Parehong successful naman ang both groups mo at talgang pinag usapan dahil talented din naman mga kasama mo. Sa pag solo...Kelan mo na consider na mag solo na? ano pinag kaiba pag solo ka at being a member ng group ?
Bugoy Na Koykoy:
Hindi ko naman pinili na maging solo artist. Yun lang yung takbo ng oras, naging busy na mga kagrupo ko sa mga ibang bagay. Tapos nandito pa ako sa Pinas at wala sila. Eh ayaw ko naman huminto sa pag gawa ng music, so tuloy tuloy parin. Ang maganda sa grupo, mas hindi ka kabado sa mga bagay bagay tulad ng pag perform sa stage kasi alam mong may kadamay ka. Kung mapahiya isa, pahiya lahat. Pag success ang show, success ng lahat yun. Pero yun nga lang, may point talaga na iba iba ang gusto ng bawat kagrupo, tulad ng topic sa mga kanta or sa mga plano para sa grupo. Pag solo kasi, walang pwedeng makialam sayo eh. Kahit wirdo yung beat, basta trip mo, magagawan ng kanta. Ang isang maliit pero mabigat na advantage naman ng grupo ay pag nagsusulat kayo ng lyrics ng sabay sabay sa iisang lugar kasi nakaka-relax yun para sakin. Palitan ng ideas, food trip, weeds, tawanan sa studio lalo pag nagkakamali sa pag record. Pag nakaka isip ng magandang lyrics ang isa or tono ng chorus nakaka excite. Mga ganong maliliit na bagay lang ay malaki na yun para sakin.
CHUCKY:
Sa name mo... mula nang namulat ako sa rap...karamihan ng mga pangalan ng mga rapper na naririnig ko eh may "tigas" o "gangsta" ang dating..may mga "lil" "big" "mob" "thug" "notorious" pero ikaw...napaka lokal..which was refreshing and new para sakin..san galing yun??what made you come with Bugoy na Koykoy?
Bugoy Na Koykoy
Malaking influence sa pag-iisip ng name ko sa pagrarap yung pangalan ni
ANAK NI BAKUKO. Sa tingin ko agad cool nung una kong nakita yung pangalan nya sa album na AB normal college. Kasi walang arte yung pangalan at local na local ang tunog. Gusto ko din local ang tunog ng akin kasi nababaduyan ako pag parang pang itim na rapper ang pangalan. Pero Koykoy ang nickname ko, yung Bugoy salitang bisaya na ang meaning parang pilyo. Eh mukhang magka rhyme naman pag pinagsama, kaya yun...
ish yo boy bugoy na koykoy!
CHUCKY:
Bisaya lagi!!! Napaka cool nga..nung narinig ko name mo si RICHIE RICH din naalala ko.....Pati porma mo hindi yung typical na "rapper" talaga ala Pharell... About sa label mo..kamusta ang Dongalo?? me nabasa ako sa wall mo "Dongalo ka pa ba?" nakakatawa .
Bugoy Na Koykoy:
Dati din akong pumorma ng pang gangster. Kalbo, may bigote at balbas, white shirt na malaki, dickies na pants, at nike cortez, pero shempre tumatanda ako, kaya mas trip ko na ang simple na look. Nakita ko nga din yung nagtanong kung Dongalo pa ba ako. Shempre Dongalo parin ako! Hindi naman ako yung tipong lumilipat-lipat. Mula bata palang ako, malaking part si Andrew E sakin kaya gusto ko nasa ilalim ako ng payong niya lagi. Isipin mo yung feeling nun, yung idol mo nung bata ka, pinapakinggan mo lagi, kabisado mo mga kanta tapos kinuha ka nya under sa label nya... isang feeling yun na maraming hindi nakakaranas, so masaya ako na nangyari sakin yun. Hindi importante sakin na bigyan ako ng malaking project ni kuya, mababaw lang kaligayahan ko, hanggat nasa ilalim nya ako, nakakasama ko syang kumain at mag chill, para sakin success na ng music ko yun. Maliliit lang talaga na bagay, at yun ang nakakalimutan ng mga tao. Mas gugustuhin ko ng maging masaya sa maliit na bagay kesa maging malungkot dahil di ko naabot ang mga malalaking pangarap. May mga issue akong naririnig about sa amin ni Don G, pero its all good. Hanggat alam ko sa sarili ko na bata aka ni Andrew E, wala na akong paki sa mga maririnig ko. Makikita nyo akong nakikipag kamayan sa iba pero hindi nyo ako makikitang yumuyuko sa kanila.
CHUCKY:
Well said,its more like a dream come true syempre isang taong iniidulo mo dahil sa talento nya eh naniniwala sa talento mo. At the end of the day its all about the music na taas kamay ako sayo... Mula sa porma hangang sa music makikita yung growth mo from sunugbaga days to grupo ni berdugo days...so syempre next question eh yung tanong ng lahat sayo ngayon.....kelan mo lala bas ang iyong mixxtape na probably one of the most anticipated mixxtape in recent history (naks..bias ba ako?) At anu ba dapat abangan namin dun..kasi lalo kami nangangati sa bawat song na ilabas mo . Ako personally halos araw araw kita kinukulit hehehe
Bugoy Na Koykoy:
Hindi na mixxtape ang ilalabas ko, gagawin ko syang album na! Wala akong kasamang mga kilalang rapper dun, kasi gusto ko unang album ko puro ako lang. Sa pangalawa na siguro ako maglalaro (kung ok ang bentahan sa unang album hehe). Alam kong lagi kong sinasabing malapit na yun, pero ginagawa pa kasi talaga yung album cover ko. Tapos nalaman ko pang may sira yung pc nung gagawa ng cover ko! hahahaha. Pero magagawan ng paraan yan. Hintay lang kayo konti, promise di ko kayo ipapahiya.
CHUCKY:
Madaming taong tumitingin sa mga idolo nila as role models..minsan kahit hindi tama tulad ng mga gang related violences..sa tingin mo ba may responsibility ang mga artist sa mga nakikinig sa kanila sa ganitong issue??
Bugoy Na Koykoy:
Kung marunong ka talaga magdala, kahit ano pang message ng pakinggan mo, dapat alam mo parin kung ano ang tama o mali. Para sakin ang isang kanta ay parang isang short film, kasi gumagawa ka ng maliit na movie sa utak mo habang pinapakinggan mo yung kanta. Its an art, pwede kong sabihin sa lyrics na drug dealer ako pero hindi ibig sabihin nun drug dealer ako. Pwedeng nilalagay ko lang sa words ang lifestyle ng isang drug dealer para yung mga listeners, kahit hindi sila magtulak, madadala ko sila sa mundo ng mga drug dealer. Hindi naman natin sasabihin na kasalanan ni Robin Padilla kung bakit may mga barilan diba? Its a short film.
CHUCKY:
Ayos..ano isang song na hindi rap na pinaka paborito mo at rap song na pinaka gusto mo..at syempre song mo na paborito mo :D
Bugoy Na Koykoy:
Wala akong masasabing "pinaka" kasi depende lang yan sa mood ko o araw ko. Pwedeng sa araw na toh paborito ko si Method Man, kinabukasan paborito ko si Donman. Pag may mga gagawin akong mga hanap buhay na nakaka-kaba, pinapakinggan ko yung "Speak Softly Love" ni Andy Williams kasi narerelax ako kahit sobrang nakakatakot yung sitwasyon. Pakiramdam ko untouchable ako. At parang sinasabi ko sa diskarte ko na kami lang ang nakakaalam ng ginagawa namin. Tapos pag oras na para maging aggressive sa trabaho, "Ima Hustla" ni Cassidy. Pag may nakita akong pulis "Fuck the Police" ng NWA. Pag natapos na at oras na mag celebrate "Roc Boys" ni Jay-Z. Pag tapos na ang celebration at kailangan na magrelax mag-isa "Burn One Down" ni Ben Harper. Ganon lang, depende kung ano ang gusto kong gawing soundtrack ng buhay ko.
Sa mga kanta ko naman, mabigat sakin ang "Damihan Kontian" and
"Sa Pinas, Sa Tate."
CHUCKY:
Ayt...
salamat sa time
Last nalang...
Ano dapat abangangan namin
kay Bugoy na Koykoy sa 2011??
At last words sa mga nagbabasa ng aking Blog (hehehe)
Bugoy Na Koykoy:
Mas madaming videos, kanta, weeds at higit sa lahat.. album ko! Yes, tuloy talaga yun, bahala na. 17 na kanta, wala kahit isang skit. Kaya solid ang bili nyo jan. Maglalabas din ako ng shirt pagkatapos ng album!
Merry Christmas and happy new year sa lahat, lalo na sa mga followers ko sa youtube and facebook! Salamat at ginawa nyo akong part ng 2010 nyo, sana ganon din sa 2011! Malapit na end of the world, kaya kung ako sa inyo bumili kayo ng album ko bago ang lahat. Subaybayan nyo lang ang Chucky's Playground, madami pang interesting na interviews ang dadating! HEY!
10 comments:
ano real name ni boogie
Idol labas mo ung okay na ren na kanta taena namiss ko na un nanakaw kasi cp ko eh kaya nawala na mga lumang kanta ni koy
Dear kuya by psycho
Dear kuya by psycho
kahit na ang damit ko ay di maluwag
Ano Real name and kelan bday nya?
Ano Real name and kelan bday nya?
Kelan bday nya
Kelan bday nya
Kelan bday nya
Post a Comment