Saturday, December 18, 2010

Anak ni Bakuko.... uncrowned Legend of the underground..


  Anak ni Bakuko was part of the first batch of the most dominant rap label in Philippines, Dongalo Wreckords. With a number of underground  hits including Sya'y kadiri  and Gangland, with appearances on a number of compilation/OST under Dongalo he is probably the only one on that batch that never had an album for himself. Know the story behind the name, his connections with former Dongalo artists
and the man they call Anak ni Bakuko.  





CHUCKY:

  Good day po...Unang tanong ko po eh kailan po kayo nagsimulang mag rap at paano kayo nasama sa 1st batch ng Dongalo artists... 


ANAK NI BAKUKO:

   Mga late 80's siguro nag rarap na ko pero sa bahay lang pag-uwi galing sa mga bar na pinupuntahan namin nila kuya Drew (Andrew E.) , nakikita ko ksi kung pano sya gumalaw at paano sya unti-unting kinakagat ng tao kasi di pa naman putok ang hip-hop nuon pero mga chick ng mga konyo sa disco tuwang tuwa hehehe ...Nag-dub ako mga late 1991 or early 92' yun siguro sa RJ studio , Sya'y Kadiri ung song..... eh that time nag-aaral ako so di ako nag-full time rapper nagkikita lang kami ni kuya Drew, sinasama ako sa mga lakad.


CHUCKY:

   Noong ginagawa nyo yung Ghetto Doggs first album at yung RAP first issue may idea ba kayo na magiging classic ang mga album na yun at magiging ganun kalaki magiging influence nyo sa mga susunod na henerasyon na magiging rapper.. 


ANAK NI BAKUKO:

   Oo naman ksi nung mga panahon na un lahat ng ginagawa namin kmi ang una, kya may dating talaga ska kita mo ung talento ng bawat isang kasama mo sa Ghetto Doggs likas na talino hindi ung nakiki-uso lang kita mo ung pagmamahal nila sa musika wlang paki alam kung saan ang venue basta may labas buhos kmi lahat. Alam din nmin na magiging malaki ang impluwensya ng aming musika ksi nuon pa man eh marami na talagang tagasunod ang Ghetto Doggs kya di biro ang trabaho nmin dhil may mga umiidolo at humahanga sa grupo na di pwedeng makakita ng mling halimbawa ksi maaari nilang tularan. 


CHUCKY:

   No one can deny yung talento na meron dun sa first batch, nung sa 2nd album na 
Ghetto Doggs 2.0 may mga ilan nang umalis at dun sa Dear Critics halos lahat ng nasa 1st batch eh umalis na halos lahat naging malalapit mong kaibigan. Na consider mo din bang sumama sa kanila noon?


ANAK NI BAKUKO:

   Hindi halos lahat, lahat talaga, kasi ako nlang mag-isa ang natira dun sa Ghetto Doggs 3 eh , oo malalapit ko talagang kaibigan, di iba sakin ang mga un halos lahat sila ninong ng mga anak ko at minsan nakakasama ko sila pag nagkakayayaan, kita-kita lang kwentuhan , wlang pinag-uusapan tungkol sa kung ano man...maliban sa masasayang lumang pantalon ng Dongalo hahahaa....sobra saya nmin noon,...... di nman nila ko niyayaya, pero kung gusto ko lang alam ko bukas ang pinto sakin ng mga un.(noon pa 'to ha ksi mtagal ko na din sila di nakikita


CHUCKY:

   Come to think of it..halos lahat din ng nakasabayan mo sa 1st batch..nagka album...Madami ka din nasamahan na mga soundtracks, classic yung sa Gangland at yung sa AB Normal at Extrang Hero na soundtrack.Pati sa dalawang Christmas compilation sa Dongalo ..Ang daming naghihintay ng solo project mo pero parang walang lumabas??Madaming insiders na nagsasabi na kung nakagwa ka noon ng album malamang classic na yun ngayon..Bakit hindi ka gumawa ng sarili mong album noon at bigla ka din nawala.. 


ANAK NI BAKUKO:

   Una sa lahat , oras ang naging kalaban ko....Tumanda ako ng di ko napansin, ako ang unang nagpamilya sa grupo (sa pagkaka-alala ko lang ha) nagkaroon ako ng obligasyon na wla dapat kaagaw, un ay ang pamilya ko.....Naging masaya ko sa bawat araw na kasama ko sila kya hindi natuloy ung album na inaasahan ninyo...Laging tumatawag si kuya Drew pero di ko maiwan ang pamilya, nagpapasalamat nman ako sa kanya ng malaki kung hindi dahil sa kanya malamang hindi din nabuo ang pamilya ko ngayon marami syang mga naituro at naipayo kya utang ko sa kanya ang kasiyahang tinatamasa ko ngayon..Tungkol nman sa album ,naka kasa nman yun lagi, isang tawag lang ni kuya Drew , tapos agad un hahaha...Sabi nga nila ang alak habang umi-edad lalong sumasarap! Kaya mas maganda siguro abangan nyo nlang ang mga susunod na pahina sa aklat ng kasaysayan ng hiphop sa Pinas ksi wlang makapagsasabi bka sumarap ang laban sa bandang dulo! Di natin alam ang ending kung sino ba ang bida at kung sino ang kalaban . 


CHUCKY:

   Dami nagtatanong...Saan nyo po ba nakuha yung pangalang Anak ni Bakuko....Kasi nung panahon na lumabas kayo hanggang ngayon may halong Lil, Big, Young, Thug at ano pang maka gangsta ang mga pangalan ng mga rapper....Kaya napak unique nung sa inyo at na inspire nyo iba na magpaka ORIG sa name like Bugoy na Koykoy na sinabi na inspirasyon nya yung name nyo nung pumili sya ng magiging AKA... 


ANAK NI BAKUKO:

   Si kuya Drew ang nagbigay sakin nyan , simple lang... anak ako ni " BAKUKO " bale ang bakuko ay isang uri ng isda na may kamahalan at bibihira din makita , ito ang naging katawagan sa mga ninuno ko at naisalin sa aking ama .... Dahil sa lugar namin ang mga lehitimong lahi na inugatan na dito ay may kani-kanyang bansag na isda tulad ng bangus , kandule at marami pang iba isa ang bakuko sa mga 'yon....Kaya pag naglalakad ka sa Paranaque at kasapi ka sa mga lahing nabanggit ko kilala ka..... 


CHUCKY:

Sa mga rappers ngayon may mga napapansin ka ba na sa tingin mo merong "it" factor? 


ANAK NI BAKUKO:

  Wala eh.....ksi sa dami ng ginagawa ko di na ako makapakinig , psensya na talaga pero , wla talagang time...... 


CHUCKY:

   Last words nalang po... Ano po ba dapat naming abangan galing kay Anak ni Bakuko? Comeback song? mixxtape/album? at message nyo po sa mga nakakabasa nito :) 


ANAK NI BAKUKO:

 Una sa lahat nagpapasalamat ako kay kuya Drew , sya ang dahilan kung bakit may isang bakuko sa inyong harapan ngayon at sa lahat ng sumusuporta sa industriya.............. 
Pangalawa nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa industriya, sa mga gang tulad ng OPG ,TBS ,BNG ,BST, TCP ,TST , LLG at sa iba pa nating mga kapatid sa musika maging grupo man o solong katawan lalong lalo na sa maliliit na walang sawang sumuporta sa amin noon sa Dongalo sa inyo ko utang ang kung ano mang bagay at pagkatao meron ako sa ngayon . Kayo ang naging inspirasyon ko , kung wlaa kayo ...wala kmi at wala rin ang musikang ating pinakikinggan sa ngayon , wag nyo akong tingalain dahil magkakasama tyo sa itaas, hindi iba ang isang bakuko...kasama nyo ko sa mga pangarap nyo, handa akong tumulong sa pagtupad nito, makaka-asa kyo na sa taong 2011 lalabas ang magpapabago sa pananaw ng musikang pilipino lahat ay iiwanang nakanganga .......2011 po mga kapatid ...abangan ! 

No comments: