Saturday, January 29, 2011

Proud to be a Dongalo Boy... the LilJohn interview...


 With 1 mixxtape under his belt and a number of collaborations from Dongalo/Gotmic, lets hear from one of Dongalo's freestylist at ano masasabi nya about ...well anything :D






CHUCKY:
   Kamusta tol...una sa lahat salamat sa panahon pangalawa congrats at nakapag labas ka na ng mixxtape last year, ano pakiramdam na nakapag labas ka na ng sarili mong mixxtape at may bigatin ka pang kasama dun. 
Liljohn:
   Proud na proud kapatid syempre..iba ung pakiramdam kasi madaming taong makikinig ng mga pyesa kp awa ng Diyos at naubos ung lahat ng kopya kapatid.100 pesos each pero pag my tumatawad ng 50 pesos 1 binibigay ko na din kasi di naman cd ko ang tinatangkilik dun ang tinatangkilik nila dun ay ako..kaya nga sabe ko sa sarili ko ok lang kung di ako maging 1 magaling na rapper atleast alam kong mgaling ako na tao. 
CHUCKY:
   Nailabas mo yung mixxtape mo under Dongalo/Gotmic, pano ka naging affiliated sa kanila? 
Liljohn:
   Nung una tagasubaybay ako tlga ng Dongalo lahat ng gig at event pinupuntahan ko talaga kahit malayo. Lage ako sinasama ni Padrino nun kapitbahay ko lang kasi si Padrino of Kruzzada,di pa ako kilala ni kuya Drew nun nararating ko na house nila kada may kasiyahan sa tulong din ni Padrino,tapos napasama ako sa mga nixxtape ng Dongalo artists,mixxtape ni Mighty A. ,mixxtape ni kuya Charlie Mack ,tapos ayun naging Gotmic ako sa tulong ni Kuya Jawtee.tapos ngkaroon ng DRA2.nagpasa ako ng demo as a solo artist then sa 4 na category na nominate mga kanta ko kaya nanalo yung kanta kong "sorry kung baog ako" sa best comedy feturing x3throwsign..tie kami ni Dello nun..tapos nung gabi din na yun my freestyle battle nun nakapasok aqko sa top4 pero tinalo aq ni crazzy g ng pdk..tapos pagbaba ko ng entablado binulungan ako ni kuya Drew sabi nya sakin "dont wori kapatid kasama ka sa boracay" freestyle battle of the champions kami ni crazzy g ngharap sa finals ..tie ang kinalabasan..nakatsamba lang tlga skin yun hehehehe pero miss ko n uyng tao n a yun..tpos year 2010 naglabas ako ng mixxtape na si kuya Drew ang nagproduce..kya bilang 1 Dongalo artist iniingatan KO ung pangalan ng Dongalo iwas gulo.iwas basag ulo..kaya as of now busy ako sa bible study at fellowship hahaha !!!
CHUCKY:
   Bible study talaga tol no?? Hehehe..Pag dating sa RAP, ano ang Dongalo sa scene dito ng RAP sa bansa para sayo? 
Liljohn:
   Ahmmmm para sa akin kung rap ang paguusapan hindi pedeng hindi mapapasama ang salitang Dongalo ...Dongalo is the no.1 rap label in the Philippines ..aminin man o hindi ng mga anti Dongalo na yan..isa lng din pngarap ng mga yan, ang maging Dongalo soldiers kaso ayun cguro mga nainip kya pumasok sa iba..eto ang malupit na scene ng Dongalo sa bansa ntin...* Dongalo ang susi papuntang chanel 2 at chanel 7...* 
CHUCKY:
   No one can deny ang kasikatan ng Fliptop ngayon at talagang nakatulong sila sa pagbalik ng spotlight sa RAP dito sa pinas at pinag uusapan uli ang RAP. Bilang freestyler na tulad mo ano ang masasabi sa Fliptop. 
Liljohn:
   Fliptop? Laki talaga ng naitulong nila sa rap industry..tropa ko naman sina Dello,Target,Datu,Zaito,Silencer..mga nakaka text q sila ..ahmmm mababait naman sila tol pero bilang 1 totoong tao walang dahilan praa hangaan ko sila..kcasi alam naman ng lahat n scripted yun ..pero bilib ako kay dello kasi nagbabalik talga ng mga punchline yun na hindi scripted..sana dumating yung oras na maglaban laban kami pero syempre freestyle with topic.. 
CHUCKY:
   Astig..At nakaksama mo din sila zaito minsan sa mga show tama?? Eh dun sa mga tamang pahaging na tira sa Dongalo ng "ibang" mga kasali? 

Liljohn:
    Ah gaya nina smuglazz na ang ilong ay parang kasoy..mga betlog nun lawlaw..gusto lang nila siguro na mapagusapan pangalan nila kasi malabo na mapagusapan pangalan nila kung fliptop pag uusapan dahil my mga naunang sumikat na sa kanila ..for short tol wala silng kwenta..pinapanalangin ko tol na sana makaharap ko sila sa freestyle battle gaya ni smuglazz na ilong ay parang kasoy ,after ng battle namin kung sakaling matuloy isa lng sasabihin nun *AYOKO NA MAGRAP* 
CHUCKY:
   Lahat naman ng Rapper naging tagahanga din sa simula...ikaw sino ang mga hinangaan mo noon hanggang ngayon at masasabi mo "sila dahilan kaya ako rapper ngayon
Liljohn:
   Sa totoo lng madami ako hinahangaan unang una si kuya Drew na syang nagbigay sakin ng liwanag para matahak ko ito.pangalawa c kuya Jaw.pangatlo syempre Kruzzada at ang huling huli ang Dongalo family..na tumatayo bilang pangalawang kapatidko.
CHUCKY:
   Sino pang artist ang gusto mo makasama sa isang kanta? 
Liljohn:
  Kuya Drew syempre at si Padrino 
CHUCKY:
   Dumadami na naman ang mga "beef" dito sa Pinas... Sa tingin mo nakakatulong ba mga ganitong bagay sa paglago ng Rap dito sa bansa? 
Liljohn:
   Hindi tol... 
CHUCKY:
   Bakit? 
Liljohn:
  Kung puro siraan kc ang mangyayare parang feel ko walang magandang patutunguhan pero minsan nakakatulong din sa career  ng 1 rapper pag kalaban ka diba pero ako wala akong kaaway na rapper..hehehe 
CHUCKY:
   Last nalang tol..
Ano dapat namin abangan sayo ngayong 2011...at shout outs mo sa mga nagbabasa nito :) 
Liljohn:
    Ahmm wala pa ko maisip n dapat nilang abangan skin e heheheheh sa ngayon medyo busy pa kasi e pero syempre may mga guesting guesting p din...ahmmm shoutouts para sa mga readers nito salamat dhil napagtuunan nyo ng pansin to khit papano my moral lesson nmn kayong matutunan dito mga tol,,hehe sa panginoon salamat din po sa lahat ,,sa pamilya ko ,,sa asawat 2 anak ko,,kay kuya Drew at ate My salamat din po kay kuya Jaw,sa Dongalo family at sayo Chucky salamat talaga,,at sa mga taong walang sawang sumusuportan sa Dongalo....end 

  


Monday, January 10, 2011

Marquiz.." Pampagana E.P." review the methaporic rise of a man....




   Yeah sa unang pagkakataon sa blog na ito…gagawa ako ng review about sa isang album, mixxtape or EP/LP kung anu man twang nyo dun :). Kilala natin lahat si Loonie syempre….at si Don G malamang, at kung nasa Facebook kita malamang kilala nyo si Bugoy na Koykoy. Kilala sila sa paggamit ng MULTI RHYMES, PERFECT RHYMES at METAPHORS  . May isang rapper na taga
La Union  (Dilang Kanto) that uses this things like toys at naglabas sya ng EP for free download  CLICK HERE TO DOWNLOAD noong December sya ay si Marquiz. Eto ngayon ang akin opinion sa EP nya :). Sa beats, pagkakaalam ko si NaughtyDawg ang may sala sa mga beats na masarap sa tenga, sakto sa mga kanta, hindi yung beat na mapapakamot ka at sasabihin mo "taena bakit ganyan beat??hindi bagay” wala ni isa ang off beat .
   I've been a fan of the whole Dilang Kanto crew kasi yung mga combo nila,  perfect for each other na they compliment one another in means of talent kahit na magkakaiba sila ng style. Sa song na "Lipad" for example mas kalmado ang boses ni A-Twist bagay sa medyo mas rugged na boses ni Marquiz at banat nila dito ay naka kakalma..chill mode lng . Sa "Hindi ko kailangan" na song, maangas sya…ang lupit,bakit?? dito sa song na to pinakita nay na talagang sya ay "on a league of his own". Lyricism na napakalalim na hindi entertaining para sa mga mababaw ang isip. He is literally saying that he doesn't have to be cheesy para makilala at hindi rin naman bagay sa kanya magpaka babaw just to be noticed.
    Karaniwan kapag ang isang rapper o kahit singer kapag gumagawa ng love song eh lumalabas ang kanilang sensitive side at nagiging cheesy ang labas (opinion ko lang po yun) .  Ang mga kantang  "GRACE ","Ayaw ko Ng Tumama", "Hurt",at "when you smile" ay mga love song na yes..it shows the sensitive side of Marquiz pero damn….it would make you appreciate Marquiz as a "person" bakit???eh bakit hindi??pag hardcore ka mag rap o gangster dating hindi ka na ma iinlove?? suss!!!! Very emotional songs na andun parin yung “edge” nya…. Sa track na “Obserbasyon” medyo hindi ako natuwa :D don’t get me wrong…magandang skit na may freestyle something..pero narinig ko na kasi yung ganun…twice, dun sa album ng STICK FIGGAS at sa album ni Loonie. Nothing special there pero nakakatuwa kasi parang kilala ko yung tinatamaan dun :D. SA kantang “Ako nga pala si”..maganda rin syempre ang isang rapper dapat may kantang mag introduce sa kanila “My name is” ni Eminem “ako si Gloc9”  pati isang song ni Bugoy dati hindi ko maalala pamagat. Maganda yung song paa mapakilala nya sarili nya…pero sa title…mmm..generic..(sorry tol)
Sa kantang “Pinaka mahabang Intro” at “Pampagana” pag narinig definitely will remind you with a young Loonie na may konting Don G on the side…bakit?? Pakinggan nyo malalaman nyo. Sa mga kanta naming “dahil sa rap”, “breathe” ,“ready for love” ,“sa Entablado” makikita nyo bukod sa metaphors at lyricism nya eh yung pagmamahal nya sa Rap..corny??hindi..para sakin dapat ipapakita mo din sa kanta mo kung ano ang RAP para sayo,respeto mo hindi lang sa tao kundi sa musika mismo  at syempre ang kantang pinaka mabigat sa buong EP para sa akin “Abutin ang Tala feat Ckatorze” para sa akin etong dalawang to pag nabigyan ng pagkakataon…would definitely turn heads ngayong taon na to…Opportunity lang..isang shot bigyan nyo itong dalawa pupusta ako masasabi nyo na kasama sila sa “future” ng rap sa Pinas… 
   All in all para sa akin…malupit ang “Ang Pampagana E.P.” sa beats (naughtydawg wadap!!) lyricism, metaphors , you will have a glimpse of what the future of RAP in the Philippines would look like... peace out..opinyon ko lang mga to…hindi kayo agree?? Sorry kayo blog ko to!! hehehe ...
Dont like me?? Bite me!!!! __chucky

"On a personal note ang mindset ko is to make mind boggling tracks with the use of real facts as metaphors. Kaya sometimes I dont endorse people to listen to my music kasi not everybody wants analyze things while listening to a song tingen ko." ___ Marquiz

Saturday, January 8, 2011

"Magbabago ang buhay mo" The Angel Boga of Laguna Clan interview




  With a win with the talent show Showtime and being a member of the wildcard on the Finals, Laguna Clan has a bright future ahead of them. What was it like competing in a national stage and what to expect for the year 2011 for the Laguna Clan...Ladies and gentlemen, Angel Boga ao Laguna Clan




CHUCKY:
  Ok guyz salamat sa  time..una sa lahat congrats sa pagsali nyo sa Showtime at sa pagpasok sa weekly finals at nasama sa wildcard. Anong klaseng experience para sa inyo ang showtime. Tingin nyo natulungan kayo nito??how? 


Angel Boga:
   Salamat Chucky.. ibang klase experience namin sa Showtimekc nakikipag kompetensya kami sa mga taong my ibat ibang talento e... this time nag explore kmi at sumali kami sa patimpalak pero ndi "rap contest"... malaki naitulong samin nito.. kahit papano nakikilala kami.. nakakatuwa nga kasi kinakanta na ng mga maliliit na bata ung "magbabago ang buhay mo"... tapos na-experience pa namin na batiin kmi ng mga taong hindi namin kilala... for me thats a great achievement.. ayun talag ang pinaka premyo namin sa showtime.. 

CHUCKY:
   Astig!!! Pano nga pala kayo napasali dun? At sino sino kayo sa Laguna Clan ang nakasali. 

Angel Boga:
   Napansin kasi namin na bukod s pag gawa lang ng kanta, kailangan nmin gumawa ng way upang mapansin ang kanta namin... isa sa pumasok sa isip namin ang Showtime.... ilang beses kami na turn down sa audition pero bumalik balik prin kami hanggang ntanggap... 4 groups kmi na mgkakasama bilang laguna clan sa showtime..DOWNERS(angel boga & mc chaww), hypeman ng downers na c rich bulahaw, B2DAEM (mordo, nino, wishstick, at syncro), BARICADE (rhaddmack, john p., kulas) at ung 3 ala pang name ung group nila kasi bago palng... dami kami members ng Laguna clan kaso konti lang kmi nakasama sa showtime dahl ngaaral at nagtatrabaho yung iba.. 

CHUCKY:
Madami kayong member sa Laguna Clan, pero kelan at pano nag start ang Laguna Clan? 

Angel Boga:
   Nagsimula ang Laguna clan nung 2001.. before ako sumali sa philippine Rap Olympics 1.. at nung nanalo kami, dumami na ng dumami... may nawawala bigla pero my pumapalit... now lang kmi nagkaroon ng pgkakataon gumawa ng mdaming songs dhl la pa kami sariling studio noon... 

CHUCKY:
   Sino sino mga unang member ng Clan? pati bakit nyo binuo ang Laguna Clan.

 
Angel Boga:
   Ang mga unang members ng laguna clan ay ang "innocentes", "el dorado", "sakuna ng laguna", "b2daem", "3buzz", "lil em", etc.. madami pa... kaso ndi na nagrarap ung iba ngayon.. pero suporta prin cla... binuo nmin ang laguna clan pra gawing pamilya ang mga grupo d2.. pra mgkaroon ng pgkakaisa at sumulong lht sa tulong ng mga projects.. 

CHUCKY:
   Bilang isang grupo..pano nyo matutulungan mga members nyo?? events? mixxtapes? 

Angel Boga:
   Yup... kasma ang lahat sa plano pra matulungan ang members.. from mixtapes, events, net exposures, etc.. ung iba na wala tlgng pambayad sa studio hindi ko na sinisingil bilang tulong sa member... 

CHUCKY:
   Pano naging affiliated ang Laguna Clan sa Dongalo

Angel Boga:
   Kasi hawak kami ni mad killah ng salbakutah... kung san sya, dun kami.. utang nmin lahat to sa Dongalo.. at sa events padin ng Dongalo kami madalas pumupunta... 

CHUCKY:
Dito sa Pinas...para sa inyo....ano ang Dongalo sa Rap?? 

Angel Boga:
   Para samin, ang Dongalo sa rap ay ang puno't dulo ng lahta... kaya nagsulputan ang ibang rap labels e dahil sa gusto nila maging katulad ng Dongalo.. at kahit itanggi nila, alam nila na hindi sila magiging mas higit o kahit ka lebel man lang ng Dongalo... natatawa nga lng ako sa mga baguhan na tumitira sa Dongalo e.. nakikisawsaw sa isyu o away ng iba pra mkilala din sila.. for me that's the wrong way of getting attention.. sa ibang salita, BULOK... =) 

CHUCKY:
   Tama...Pero in your own word...Possible ba mag ka pangalan dito sa Pinas ng walang titirahin/beef?? Posible ba musika muna bago beef?kasi sa nakikita ko..gagwa muna ng beef para mapansin saka na sila gagawa ng kanta nila... 

Angel Boga:
   Sa tingin ko lahat ng artists, kahit hindi rappers, kaya sumikat sa pamamagitan lng ng songs na ginagawa nila ng walang tirahan na nagaganap.. yung mga tao na ginagamit ang beef para mgka pangalan ay pwede ntin tawaging "immature artists"... kasi ginagamit lang nila ang name ng mga tinitira nila e.. it means, ala silang tiwala sa sarili nilang kakayahan.. kailangan pa nila ng controversy para makilala.. sa tingin q thats totally immature.. baguhin na sana yan.. at yung mga taong nakikinig, wag na sana sila makisawsaw kung hindi nila alam ang totoong istorya ng beef.. lalo lng kasi lumalaki.. my mga sumusuporta pa sa mali.. pwede ntin silang tawaging "immature listeners"... hehehe! 

CHUCKY:
   Kung may isang tao na lalapit sa inyo, may pangarap sa pagraRap, ano ang ma advice mo sa kanya? 

Angel Boga:
   Gaya ng pinarating nmin sa lahat nung performance nmin s showtime, "wag mong isiping hindi mo kaya"... lahat tau my karapatang mangarap at maaabot mo lamang un kng maniniwala ka... kng anu man ang maitutulong nmin, ibibigay nmin yan... 

CHUCKY:
   Salamat sa panahon. Last words nalang para sa mga nagbaabsa at ano pa ang dapat naming abangan sa Laguna Clan ngayong 2011. 

Angel Boga:
  Maraming slaamat din Chuck.. pagpatuloy m lng sna ang ganyan dahil mrami kang natutulungan sa underground... sa mga nakabasa nito, mraaming salamat din at sana magtulungan tayong iangat ang hiphop s pinas... sabi ko nga sa kanta ko (magbabago ang buhay mo), "lahat sana tayoy maging mapagkumbaba/ upang walang gulpihan na magaabang sa bawat pagbaba/ ng entablado. lahat sana tayo kalmado/ upang walang madehado at lahat tayo llamado/"... yun lng mga kapatid.. ang mga projects ng laguna clan this year ay music videos.. iniintay nlng nmin ung handy cam ng dj ng downers na c twisted.. tapos non lakad na. at syempre more songs are coming.. maraming slamat uli sau chucky at sa mga makakabasa nito.. one love.. mabuhay ang hiphop.. 

Saturday, January 1, 2011

"Batang Freestyle" The YAN-E of Rabis Agenda Interview


  Isang grupo ng mga Rapper sa Bulacan ay gumagawa ng ingay for more that a Decade na. Isang grupo na nakilala sa larangan ng Freestlye..Ano ba ang agenda ng rabis???  Ladies and gentlemen...Yan-E of Rabis Agenda



CHUCKY:
  Salamat sa panahon pre...unang tanong ko...ano ba ang Arabis Agenda??

YAN-E:
   Ang totoo? Hindi ko alam kung bakit RABIS! basta naipangalan nalang sa grupo..PINANGATAWANAN nalang namin...dalawa kami ng pinsan ko nagtayo ng RABIS...parehas kaming RAPPER...Ang AGENDA ng RABIS is to unite different groups na naka'base dito sa BULACAN...We're operating since JAN.,1998! Medyo LOW PROFILE lang po kami...but its good,kasi isa un sa mga main objective ng grupo,?yung hindi SUMIKAT...

CHUCKY:
  Sino sino ngayon bumubuo ng Rabis Agenda?

YAN-E: 
  RABIS daTUTAH familia,SIBAR familia,SOUL ASSASINS familia,D.G LYRICO familia,EAZPALEKLEK famila,PLEMMA CLANN,VETERANO CREW,BLACK AGENDA familia,ARMAS ng LIAS,at may mga tao din kami sa ibat'ibang bansa..mga tumutulong sa pagpapatatag ng RABIS AGENDA..
  Sa bawat pamilya?nakapaloob ang ibat-ibang grupo...karamihan sa amin FREESTYLERS,dyan kc kami mas nakilala...

CHUCKY:
  Isa pa pala...sa pag freestyle ..dun nakilala ang Rabis Agenda ano masasabi nyo kasi ngayon talagang nakikilala ang fliptop pero madami nagsasabi na hindi naman talaga freestyle yun?

YAN-E:
  Well?para sa'kin?aminado ako na nakatulong talaga ng malaki ang FLIPTOP sa HIPHOP scene especially this year(2010)..madaming mga bar n tumanggap sa mga gigs n of course hiphop related din naman..SINUSUPORTAHAN ko bilang hiphop!pero KINOKONDENA ko bilang isang RAPPER! kagaya nga ng nasabi mo at nasasabi ng karamihan?hindi natin RAMDAM yung espiritu ng TOTOONG FREESTYLE sa paraang ginagawa nila!
(una kong nakapanuod ng FLIPTOP battle?sa movie ni EMINEM,8mile..)

CHUCKY:
   Kilala din ang Rabis Agenda din sa pagiging affiliated sa Dongalo at may ilang mga collaboration din kayo sa mga Dongalo artists. Ano para sa inyo ang Dongalo pag dating sa RAP dito sa Pinas?

YAN-E:
   DONGALO sa PILIPINAS? Of course?Walang katulad! ang matinding agimat kase namen?"MERON KAMING KUYA" meron kaming ulo na kinikilala at sinusunod...
Siguro meron lang makikilala?pero walang makakahiget sa DONGALO! at? "WALA NG BABAET KAY ANDREW E."
in terms of RAPpin? MAS KINIKILALA't nirerespeto dito sa PINAS at sa ibayong-DAGAT!

CHUCKY:
   As a unit, ano ang ginagawa ng Rabis Agenda para makatulong sa RAP sa Pinas at para sa mga members nyo...like events or mixxtapes?

YAN-E:
   We're organizing events,para yung mga newbies makapagparticipate at kahit papano marecognize at maipakita n din nila yung talent nila sa RAPpin.,sa ganung way?i am making moves!at di ko masasabi sa sarili ko na naging walang saysay ang pagiging rapper ko sa ibang may pangarap makapagpamalas ng talent sa RAP..
  Nakapaglabas n din kami ng mga mixxtape d2 sa Bulacan at nagkaroon na din ng chansang makapaglabas ng isang mixxtape under Dongalo Wreckords.. 

CHUCKY:
   Simula nung binuo nyo ang Rabis Agenda sa tingin nyo natupad nyo na yung agenda nyo na to unite mga rappers dyan sa Bulacan?

YAN-E:
   Every events na ino'organize ko? nagkakasama'sama ang mga GANG AT FRAT dito sa area ko.,may mga FRATWARS at GANGWARS din dito sa bulacan..Pero ang ipinagmamalaki ko?sa twing may p'RAP events ako?NAWAWALA ang ALITAN or kung anumang GAP meron sila.,Natatapos ang events ng mapayapa! nakilala ang RABIS?at ang bawat RAPPER na nagre'represent sa mga gang/frat ay sumasapi sa RABIS ang KARAMIHAN..
Sa laki ng BULACAN? masasabi kong nasa 50% palang ako..pero ang pintuan ay hindi ko sinasara para sa mga nangangailangan ng aking suporta..BUKAS ang RABIS para sa mga RAPPERS na kahit papano ay gustong magkaron ng karanasan sa pagtatanghal ng RAP at makaranas ng kahit papano'y SAMAHAN ng maliit na parte ng MUNDO ng HIPHOP dito sa BULACAN..
Hanggang sa ngayon?ang AGENDA ng RABIS ay patuloy o kasalukuyan ko pa din na pinagsusumikapang MATUPAD...

CHUCKY:
   Balita na mag reretiro ka na raw sa RAP? Masasabi mo ba na naka ambag ka o nakatulong in any way sa Rap o hip hop sa Pinas?? May mga tao kasi na sinasabi "rapper ako" gagawa ng kanta,,,tapos na...Bilang isang beterano na tinitingala ng mga baguhan lalo dyan sa Bulacan sa tingin mo may responsibilitad ka din ba sa RAP at sa mga nakikinig nito?

YAN-E:
   (AMBAG)IN A WHOLE? I think so,PERO bago ang lahat?tama din naman na gumawa ka muna ng kanta,para mas may maniwala sayo.,Pero?hindi dapat dun nagtatapos yun!ako kc?kahit papano naman meron akong mga tao na personal na nagabayan,nahubog at nabahagian ng kung anuman ang naabot ko sa industriya nato.,mga taong mas kinikilala o mas nakatataas na sa akin sa ngayon(Dun naman kc ako mas natutuwa,kapag mayroon akong tao na napapa'angat..)
(RESPONSIBILIDAD)OO naman.,Hindi lang bilang isang beterano!baguhan o datihan?basta alam mong dito ka nababagay at ito ang alam mong daigdig na komportable ka?MAY RESPONSIBILIDAD KA.."We all must do our HOMEWORK!"
RETIRO?may mga personal akong dahilan,pero ang sini'sigurado ko?para pa din sa ika'aangat ng RAP music..IBUBULONG ko nalang sayo pag nagkita tayo sa PRO4..hahaha...

CHUCKY:
   Sa Rabis Agenda...pati na rin sa sarili mo...sino sino yung mga rapper dito sa pinas na tinitingala nyo, nag inspired sa inyo at nasabi nyong balang araw makaksama ko din sila sa isang kanta :)

YAN-E:
  Of course? ANDREW E.,DON-G.,JAW-TEE, NASTYMAC(rip)FRANCISM.(rip)

CHUCKY:
   Last word nalang pre..message pra sa mga nangangarap makapasok o subukan ang larangan, sa mga kapatid mo sa Dongalo at sa lahat na nagbabasa nito :)

YAN-E:
   SA MGA NEWBIES? wag kayong mangamba na sumubok,walang masama..Merong kaligayahan sa RAP music na hindi kayang ibigay ng anumang materyal na bagay lalo ang PERA!
   SA MGA DONGALO? gusto kong magpasalamat at ipa'abot na ako'y KUNTENTO na sa anumang narating at naabot ko,syempre sa tulong nyo..
KAY KUYA DREW? Ikaw lang ang HARI..walang ibang karapat'dapat!! Walang "RABIS" kung walang "YAN-E." at walang "YAN-E." kung walang "ANDREW E.".."MARAMING MARAMING SALAMAT PO"
SA MGA MAGBIBIGAY ORAS BUMASA NITO? Hindi po ganun katunog ang RABIS AGENDA at malamang sa hindi nyo ako kilala..GAYUNpaman?nagpapasalamat kami sa inyong panahon..
JERIC ? kapatid salamat sa pagkakataon..ipagpatuloy mo lang ang kabutihan sa kapwa..ang pagkatao natin ay hindi nalalayo! maaari tayong ihalintulad sa PERA!(ang halaga natin ay wala sa tunog!)SALAMAT!