Saturday, December 25, 2010

Higanteng Munti...my conversation with Chico Loco of M-Style

  Muntinlupa is known for .....well sa kulungan dun :D..Pero may isang grupo dun that has been dominating Munti for years..M-Style is a group of rappers based on Muntinlupa. With a group like " THUGRHYME   na nakasama na din hindi lang sa mga compilation albums from Dongalo kundi sa Rapublic din ng the late great Francis Magalona. Here is my conversation wit Chico Loco of Thug Rhyme


  




CHUCKY:
   Maraming salamat sa oras at panahon Chico Loco...una sa lahat congratulation  sa pagkakasama nyo sa Bridge 2 album...nakasama na kayo sa RAPUBLIC compilation ng the late great Francis M. at ilang album/compilation na nakasama kayo sa Dongalo..ano pinagkaiba ng Bridge 2 sa mga nsamahan nyong mga album/conpilations?


Chico Loco:
 
    Hahahah pare parehas naman lahat magaganda at matitindi yung nasamahan namin...ang pag kakaiba lang ng Bridge 2 eh dadalhin sa Japan at may mga rapper na isasama doon sa Japan.. at pinag gastusan ito ng hapon.. at may mga kasama international rapper 7 group na Japanesse rapper. kasama mag perform sa stage 25 city ata ang kakantahan namin kung makakasama kami sa Japan.. at bihira ito.. swerte lang talaga kung mapili ka.. pero basta kasama ka naman sa compilation ng Dongalo eh masaya talaga.. pero ito grabe gastos dito.. sobrang lake.. at polido dapat at liriks hindi basta basta kasi pag kakataon muna ito makilala sa ibang bansa.. kasi ang bawat liriks nito eh sinala dinala pa sa Japan.. at pina translate kung pwede.. at ibabalik dito para ulitin kung hindi pwede.. mins talagang polido at sala.. 


 CHUCKY:
    Astig!!! hindi lahat ng rapper nagkakaroon ng ganyang opportunity lets go back to your group...konting history lesson naman about THUGRHYME at panu nabuo ang MSTYLE 


Chico Loco: 
 
    This is how our started.. first we all meet at town center where in we always stay almost every day whenever we have nothing to do, that was 1994. we cant forget that time and place because that made us build at group,were in we all have the same attitude and dreams in life, becoming an artist someday, until now were still together,helping each other in all ways,sometimes, we encounter problems difficulties,and short comings,but we see to it before the day ends up. its already solve and we see to it that it will not destroy our good friendship and we"ll not loose someone.

we are all party goers. we always attend parties, go to disco house,that became our friendship more tight and stronger felling like a big family! we all love listening to rap musik both international and local like hits ...of TUPAC SHAKUR,NAUGTY BY NATURE,KEITH MURRAY,ANDREW E. and almost everything that involve in industry of hiphop,and that made us interested to the point that we learned how to rap. we always about the things we see feel and hear..

there was a time at las pinas were in we join underground rap contest,we just want to prove to ourselves in that were capable of and its the perfect time to show of some skills of ours.We've put our very best in that competition unfortunately there was other group that better in rapping than us. Winning the first place is really not a big deal for us, but still we got the talent 3rd runner up, proving to ourselves that we got the talent and improve. practice is our motto at that time, and that contest became the first opportunity until second opportunities came, by guesting to barangay, schools and malls.that was time that decided to join the industry of rap. and that time reviving and R and B type are in fashion and that made us difficult to adjust underground to R and B style, but we bare in our minds that....We can do it! if others can,,,, why can"t we! we join the first PHIL,RAP OLYMPICS of ANDREW E..and like that old days,we are not that lucky, but we never give up this time we joined the first RAP PUBLIC rap contest,held in EAT BULAGA GMA channel 7, and by the blessing of our GOD almighty we are one of the grand finalist,, after the contest on eat bulaga, many invitation comes,some are provincial tours with MACPROD,and other artist, and then time comes we joined the DONGALO RAP ARTIST of mr, Andrew E, CEO of Dongalo, and because of that mr, ANDREW E, includes our song to his album, SANTA KLAWS. after that experienced, we build a group a rap artist named '' MUNTINLUPA STYLE'' and up to now, we still continue helping some of the first time rappers, our population grows up to 228 members and until now, we continue composing own original songs, and we dont know what comes next

We are "" THUGRHYME"" we derive our groups name first '' THUG'' for ourvelves in our different situations in life.....then we got the "RHYME" from the black, putting the two words together became our group name. 
MUNTINLUPA STYLE created since 2002, there are 4 respected rappers who combine their brain to create the hood here in muntinlupa.. there names are CHiCO LOCO,MOKS,EARLEE G., & 2-JAY.. there given the name of muntinlupa style co'z here in muntinlupa all the rappers or crew have ther own style not just in the trend but in the way of how they rap how they show ther skills.. originally group of muntinlupa style are 4. ther name are the black gang, delinquentes, karizmah, & thugrhyme.. and we are not expected that this crew was being succesfull as they are ryt now and now muntinlupa style is getting hot and still no. 1 all my crew from old to new crew I salute u homs.. and I respect all my hood.. this is not a gang this is a family a home for all the rappers who dream to become an artist.. so keep it up the good work.. much respect.. go straigth and achive ur goal my homs..


CHUCKY:
 
    Wow haba :D ...so ang MSTYLE is more than a group of rappers kundi family din? Masasabi nyo bang MSTYLE ang DOMINANT group dyan sa Muntinlupa? 

Chico Loco:
 
    Mstyle ang unang grupo at familyang rapper dito sa Muntinlupa.. mahati hati man ito.. at maging 3 na pangalan.. sa muntinlupa mstyle parin galing.. dun parin sila kumuwa ng lakas ng loob..

   Saka hindi na kayang burahin ang pangalan ng mstyle dito.. mamatay man lahat ng mstyle.. nakakatatak at history na sila ng muntinlupa.. 
hindi lang kasi sa muntinlupa may mstyle.. ang mstyle sa laguna,cavite at batangas at ibat ibang bansa..  


CHUCKY:
 
    astig!!!
about being a Dongalo soldier..anu naman say mo sa mga kampo na panay ang tira sa Dongalo? Bilang sundalo ng Dongalo ano ba dapat gawin o moves na dapat gawin para ipagtanggol ang kampo? 


Chico Loco:
 
    Isa lang yan.. wag mo pansinin ang tumitira sayo.. wala ka mapapala dun.. ang pagiging musikero eh wala sa talin ng dila..hindi sa dami ng nagawa mong kanta.. hindi din sa tapang ng mga sinasabi mo sa kanta.. kundi sa pakikisama at respeto sa mga kasama at ka grupo po.. ituloy mo lang ang lahat ng opurtunity na dumadating sayo.. tuloy tuloy yan.. isang malaking ganti sa kalaban yun kung hindi mo sila pinapansin at umaangat ka na nakikita ka nila... 

CHUCKY:
 
    Well said well said... maraming salamat sa panahon :) sana magkita tayo pag naligaw ako sa Muntinlupa :D last word para sa mga aspiring rappers, sa mga kapatid mo sa Dongalo at sa mga haters narin :D 

Chico Loco :
 
   Salamat din tol..











Saturday, December 18, 2010

skateboards, weeds, videos, music..ish yo boy bugoy na koykoy!!!!










  Maluwang na pantalon, naglalakihang bling bling, sumisigaw at nagmumura sa kanta, o puro tungkol sa love ang kanta, yan ang typical na rapper ngayon (hindi lahat..peace!!) . Pero there is one guy that is breaking the mold. Kahit na ang damit nya ay di maluwag, hindi basugulero pero hindi din duwag. (ok na ren) Kilala sya ngayon sa mga videos na kinakalat nya sa youtube and slowly he is having a cult following at taga Dongalo Wreckords sya.
ish yo boy bugoy na koykoy! lets get to know ang Pharell ng
Pinas a little better..





CHUCKY:
  
  Medyo...(hehehe medyo) madami na nakakakilala sayo now...pero a little background muna about sa 2 former groups mo...at pano ko nasali sa mag yun.

Bugoy Na Koykoy:

  Galing ako sa grupong SUNOGBAGA (2002) at sa grupong
GRUPO NI BERDUGO (2008). Magkaibang-magkaiba na klase ng grupo. Yung SUNOGBAGA days, mas wild lifestyle namin nun. Alak, party, hapon na gumising, chicks, tambay at kung ano ano pa. Para kaming mga unggoy sa city na nanggugulo lang. Yung GRUPO NI BERDUGO naman chill lang. Pool party, BBQ, punta sa mga relax na lugar, beach at kung ano ano pang gawain ng mga matatanda hehehe. Wala akong mga kapatid na lalake pero yang dalawang grupong yan ang mga kino-consider kong brothers. Yung mundo namin dati umiikot lang sa music, and its cool kasi kadamihan ng mga malulupit na experiences namin sa life ay dahil sa pagrarap namin. Kaya malaking part talaga ng buhay namin ang music. Jan namin naranasan ang ma-VIP treatment sa mga party, makasama ang mga sikat (Andrew E, Parokya, Kamikazee, Gloc9, Mastaplann etc.), nagkaroon ng maraming kaibigan, naging kaibigan ng mga OG sa lugar namin (lakas kapit baby!), at nakakilala ng mga beautiful ladies!!!


CHUCKY:

  Parehong successful naman ang both groups mo at talgang pinag usapan dahil talented din naman mga kasama mo. Sa pag solo...Kelan mo na consider na mag solo na? ano pinag kaiba pag solo ka at being a member ng group ?


Bugoy Na Koykoy:

  Hindi ko naman pinili na maging solo artist. Yun lang yung takbo ng oras, naging busy na mga kagrupo ko sa mga ibang bagay. Tapos nandito pa ako sa Pinas at wala sila. Eh ayaw ko naman huminto sa pag gawa ng music, so tuloy tuloy parin. Ang maganda sa grupo, mas hindi ka kabado sa mga bagay bagay tulad ng pag perform sa stage kasi alam mong may kadamay ka. Kung mapahiya isa, pahiya lahat. Pag success ang show, success ng lahat yun. Pero yun nga lang, may point talaga na iba iba ang gusto ng bawat kagrupo, tulad ng topic sa mga kanta or sa mga plano para sa grupo. Pag solo kasi, walang pwedeng makialam sayo eh. Kahit wirdo yung beat, basta trip mo, magagawan ng kanta. Ang isang maliit pero mabigat na advantage naman ng grupo ay pag nagsusulat kayo ng lyrics ng sabay sabay sa iisang lugar kasi nakaka-relax yun para sakin. Palitan ng ideas, food trip, weeds, tawanan sa studio lalo pag nagkakamali sa pag record. Pag nakaka isip ng magandang lyrics ang isa or tono ng chorus nakaka excite. Mga ganong maliliit na bagay lang ay malaki na yun para sakin.


CHUCKY:

  Sa name mo... mula nang namulat ako sa rap...karamihan ng mga pangalan ng mga rapper na naririnig ko eh may "tigas" o "gangsta" ang dating..may mga "lil" "big" "mob" "thug" "notorious" pero ikaw...napaka lokal..which was refreshing and new para sakin..san galing yun??what made you come with Bugoy na Koykoy?


Bugoy Na Koykoy

  Malaking influence sa pag-iisip ng name ko sa pagrarap yung pangalan ni
ANAK NI BAKUKO. Sa tingin ko agad cool nung una kong nakita yung pangalan nya sa album na AB normal college. Kasi walang arte yung pangalan at local na local ang tunog. Gusto ko din local ang tunog ng akin kasi nababaduyan ako pag parang pang itim na rapper ang pangalan. Pero Koykoy ang nickname ko, yung Bugoy salitang bisaya na ang meaning parang pilyo. Eh mukhang magka rhyme naman pag pinagsama, kaya yun... 
ish yo boy bugoy na koykoy!


CHUCKY:

  Bisaya lagi!!! Napaka cool nga..nung narinig ko name mo si RICHIE RICH din naalala ko.....Pati porma mo hindi yung typical na "rapper" talaga ala Pharell... About sa label mo..kamusta ang Dongalo?? me nabasa ako sa wall mo "Dongalo ka pa ba?" nakakatawa .


Bugoy Na Koykoy:

  Dati din akong pumorma ng pang gangster. Kalbo, may bigote at balbas, white shirt na malaki, dickies na pants, at nike cortez, pero shempre tumatanda ako, kaya mas trip ko na ang simple na look. Nakita ko nga din yung nagtanong kung Dongalo pa ba ako. Shempre Dongalo parin ako! Hindi naman ako yung tipong lumilipat-lipat. Mula bata palang ako, malaking part si Andrew E sakin kaya gusto ko nasa ilalim ako ng payong niya lagi. Isipin mo yung feeling nun, yung idol mo nung bata ka, pinapakinggan mo lagi, kabisado mo mga kanta tapos kinuha ka nya under sa label nya... isang feeling yun na maraming hindi nakakaranas, so masaya ako na nangyari sakin yun. Hindi importante sakin na bigyan ako ng malaking project ni kuya, mababaw lang kaligayahan ko, hanggat nasa ilalim nya ako, nakakasama ko syang kumain at mag chill, para sakin success na ng music ko yun. Maliliit lang talaga na bagay, at yun ang nakakalimutan ng mga tao. Mas gugustuhin ko ng maging masaya sa maliit na bagay kesa maging malungkot dahil di ko naabot ang mga malalaking pangarap. May mga issue akong naririnig about sa amin ni Don G, pero its all good. Hanggat alam ko sa sarili ko na bata aka ni Andrew E, wala na akong paki sa mga maririnig ko. Makikita nyo akong nakikipag kamayan sa iba pero hindi nyo ako makikitang yumuyuko sa kanila.


CHUCKY:

  Well said,its more like a dream come true syempre isang taong iniidulo mo dahil sa talento nya eh naniniwala sa talento mo. At the end of the day its all about the music na taas kamay ako sayo... Mula sa porma hangang sa music makikita yung growth mo from sunugbaga days to grupo ni berdugo days...so syempre next question eh yung tanong ng lahat sayo ngayon.....kelan mo lala bas ang iyong mixxtape na probably one of the most anticipated mixxtape in recent history (naks..bias ba ako?) At anu ba dapat abangan namin dun..kasi lalo kami nangangati sa bawat song na ilabas mo . Ako personally halos araw araw kita kinukulit  hehehe


Bugoy Na Koykoy:

  Hindi na mixxtape ang ilalabas ko, gagawin ko syang album na! Wala akong kasamang mga kilalang rapper dun, kasi gusto ko unang album ko puro ako lang. Sa pangalawa na siguro ako maglalaro (kung ok ang bentahan sa unang album hehe). Alam kong lagi kong sinasabing malapit na yun, pero ginagawa pa kasi talaga yung album cover ko. Tapos nalaman ko pang may sira yung pc nung gagawa ng cover ko! hahahaha. Pero magagawan ng paraan yan. Hintay lang kayo konti, promise di ko kayo ipapahiya.


CHUCKY:

  Madaming taong tumitingin sa mga idolo nila as role models..minsan kahit hindi tama tulad ng mga gang related violences..sa tingin mo ba may responsibility ang mga artist sa mga nakikinig sa kanila sa ganitong issue??

Bugoy Na Koykoy:

  Kung marunong ka talaga magdala, kahit ano pang message ng pakinggan mo, dapat alam mo parin kung ano ang tama o mali. Para sakin ang isang kanta ay parang isang short film, kasi gumagawa ka ng maliit na movie sa utak mo habang pinapakinggan mo yung kanta. Its an art, pwede kong sabihin sa lyrics na drug dealer ako pero hindi ibig sabihin nun drug dealer ako. Pwedeng nilalagay ko lang sa words ang lifestyle ng isang drug dealer para yung mga listeners, kahit hindi sila magtulak, madadala ko sila sa mundo ng mga drug dealer. Hindi naman natin sasabihin na kasalanan ni Robin Padilla kung bakit may mga barilan diba? Its a short film.


CHUCKY:

  Ayos..ano isang song na hindi rap na pinaka paborito mo at rap song na pinaka gusto mo..at syempre song mo na paborito mo :D


Bugoy Na Koykoy:

  Wala akong masasabing "pinaka" kasi depende lang yan sa mood ko o araw ko. Pwedeng sa araw na toh paborito ko si Method Man, kinabukasan paborito ko si Donman. Pag may mga gagawin akong mga hanap buhay na nakaka-kaba, pinapakinggan ko yung "Speak Softly Love" ni Andy Williams kasi narerelax ako kahit sobrang nakakatakot yung sitwasyon. Pakiramdam ko untouchable ako. At parang sinasabi ko sa diskarte ko na kami lang ang nakakaalam ng ginagawa namin. Tapos pag oras na para maging aggressive sa trabaho, "Ima Hustla" ni Cassidy. Pag may nakita akong pulis "Fuck the Police" ng NWA. Pag natapos na at oras na mag celebrate "Roc Boys" ni Jay-Z. Pag tapos na ang celebration at kailangan na magrelax mag-isa "Burn One Down" ni Ben Harper. Ganon lang, depende kung ano ang gusto kong gawing soundtrack ng buhay ko.

Sa mga kanta ko naman, mabigat sakin ang "Damihan Kontian" and
"Sa Pinas, Sa Tate."


CHUCKY:

Ayt...
salamat sa time 
Last nalang...
Ano dapat abangangan namin
kay Bugoy na Koykoy sa 2011??
At last words sa mga nagbabasa ng aking Blog (hehehe)


Bugoy Na Koykoy:

  Mas madaming videos, kanta, weeds at higit sa lahat.. album ko! Yes, tuloy talaga yun, bahala na. 17 na kanta, wala kahit isang skit. Kaya solid ang bili nyo jan. Maglalabas din ako ng shirt pagkatapos ng album!




Merry Christmas and happy new year sa lahat, lalo na sa mga followers ko sa youtube and facebook! Salamat at ginawa nyo akong part ng 2010 nyo, sana ganon din sa 2011! Malapit na end of the world, kaya kung ako sa inyo bumili kayo ng album ko bago ang lahat. Subaybayan nyo lang ang Chucky's Playground, madami pang interesting na interviews ang dadating! HEY!







Anak ni Bakuko.... uncrowned Legend of the underground..


  Anak ni Bakuko was part of the first batch of the most dominant rap label in Philippines, Dongalo Wreckords. With a number of underground  hits including Sya'y kadiri  and Gangland, with appearances on a number of compilation/OST under Dongalo he is probably the only one on that batch that never had an album for himself. Know the story behind the name, his connections with former Dongalo artists
and the man they call Anak ni Bakuko.  





CHUCKY:

  Good day po...Unang tanong ko po eh kailan po kayo nagsimulang mag rap at paano kayo nasama sa 1st batch ng Dongalo artists... 


ANAK NI BAKUKO:

   Mga late 80's siguro nag rarap na ko pero sa bahay lang pag-uwi galing sa mga bar na pinupuntahan namin nila kuya Drew (Andrew E.) , nakikita ko ksi kung pano sya gumalaw at paano sya unti-unting kinakagat ng tao kasi di pa naman putok ang hip-hop nuon pero mga chick ng mga konyo sa disco tuwang tuwa hehehe ...Nag-dub ako mga late 1991 or early 92' yun siguro sa RJ studio , Sya'y Kadiri ung song..... eh that time nag-aaral ako so di ako nag-full time rapper nagkikita lang kami ni kuya Drew, sinasama ako sa mga lakad.


CHUCKY:

   Noong ginagawa nyo yung Ghetto Doggs first album at yung RAP first issue may idea ba kayo na magiging classic ang mga album na yun at magiging ganun kalaki magiging influence nyo sa mga susunod na henerasyon na magiging rapper.. 


ANAK NI BAKUKO:

   Oo naman ksi nung mga panahon na un lahat ng ginagawa namin kmi ang una, kya may dating talaga ska kita mo ung talento ng bawat isang kasama mo sa Ghetto Doggs likas na talino hindi ung nakiki-uso lang kita mo ung pagmamahal nila sa musika wlang paki alam kung saan ang venue basta may labas buhos kmi lahat. Alam din nmin na magiging malaki ang impluwensya ng aming musika ksi nuon pa man eh marami na talagang tagasunod ang Ghetto Doggs kya di biro ang trabaho nmin dhil may mga umiidolo at humahanga sa grupo na di pwedeng makakita ng mling halimbawa ksi maaari nilang tularan. 


CHUCKY:

   No one can deny yung talento na meron dun sa first batch, nung sa 2nd album na 
Ghetto Doggs 2.0 may mga ilan nang umalis at dun sa Dear Critics halos lahat ng nasa 1st batch eh umalis na halos lahat naging malalapit mong kaibigan. Na consider mo din bang sumama sa kanila noon?


ANAK NI BAKUKO:

   Hindi halos lahat, lahat talaga, kasi ako nlang mag-isa ang natira dun sa Ghetto Doggs 3 eh , oo malalapit ko talagang kaibigan, di iba sakin ang mga un halos lahat sila ninong ng mga anak ko at minsan nakakasama ko sila pag nagkakayayaan, kita-kita lang kwentuhan , wlang pinag-uusapan tungkol sa kung ano man...maliban sa masasayang lumang pantalon ng Dongalo hahahaa....sobra saya nmin noon,...... di nman nila ko niyayaya, pero kung gusto ko lang alam ko bukas ang pinto sakin ng mga un.(noon pa 'to ha ksi mtagal ko na din sila di nakikita


CHUCKY:

   Come to think of it..halos lahat din ng nakasabayan mo sa 1st batch..nagka album...Madami ka din nasamahan na mga soundtracks, classic yung sa Gangland at yung sa AB Normal at Extrang Hero na soundtrack.Pati sa dalawang Christmas compilation sa Dongalo ..Ang daming naghihintay ng solo project mo pero parang walang lumabas??Madaming insiders na nagsasabi na kung nakagwa ka noon ng album malamang classic na yun ngayon..Bakit hindi ka gumawa ng sarili mong album noon at bigla ka din nawala.. 


ANAK NI BAKUKO:

   Una sa lahat , oras ang naging kalaban ko....Tumanda ako ng di ko napansin, ako ang unang nagpamilya sa grupo (sa pagkaka-alala ko lang ha) nagkaroon ako ng obligasyon na wla dapat kaagaw, un ay ang pamilya ko.....Naging masaya ko sa bawat araw na kasama ko sila kya hindi natuloy ung album na inaasahan ninyo...Laging tumatawag si kuya Drew pero di ko maiwan ang pamilya, nagpapasalamat nman ako sa kanya ng malaki kung hindi dahil sa kanya malamang hindi din nabuo ang pamilya ko ngayon marami syang mga naituro at naipayo kya utang ko sa kanya ang kasiyahang tinatamasa ko ngayon..Tungkol nman sa album ,naka kasa nman yun lagi, isang tawag lang ni kuya Drew , tapos agad un hahaha...Sabi nga nila ang alak habang umi-edad lalong sumasarap! Kaya mas maganda siguro abangan nyo nlang ang mga susunod na pahina sa aklat ng kasaysayan ng hiphop sa Pinas ksi wlang makapagsasabi bka sumarap ang laban sa bandang dulo! Di natin alam ang ending kung sino ba ang bida at kung sino ang kalaban . 


CHUCKY:

   Dami nagtatanong...Saan nyo po ba nakuha yung pangalang Anak ni Bakuko....Kasi nung panahon na lumabas kayo hanggang ngayon may halong Lil, Big, Young, Thug at ano pang maka gangsta ang mga pangalan ng mga rapper....Kaya napak unique nung sa inyo at na inspire nyo iba na magpaka ORIG sa name like Bugoy na Koykoy na sinabi na inspirasyon nya yung name nyo nung pumili sya ng magiging AKA... 


ANAK NI BAKUKO:

   Si kuya Drew ang nagbigay sakin nyan , simple lang... anak ako ni " BAKUKO " bale ang bakuko ay isang uri ng isda na may kamahalan at bibihira din makita , ito ang naging katawagan sa mga ninuno ko at naisalin sa aking ama .... Dahil sa lugar namin ang mga lehitimong lahi na inugatan na dito ay may kani-kanyang bansag na isda tulad ng bangus , kandule at marami pang iba isa ang bakuko sa mga 'yon....Kaya pag naglalakad ka sa Paranaque at kasapi ka sa mga lahing nabanggit ko kilala ka..... 


CHUCKY:

Sa mga rappers ngayon may mga napapansin ka ba na sa tingin mo merong "it" factor? 


ANAK NI BAKUKO:

  Wala eh.....ksi sa dami ng ginagawa ko di na ako makapakinig , psensya na talaga pero , wla talagang time...... 


CHUCKY:

   Last words nalang po... Ano po ba dapat naming abangan galing kay Anak ni Bakuko? Comeback song? mixxtape/album? at message nyo po sa mga nakakabasa nito :) 


ANAK NI BAKUKO:

 Una sa lahat nagpapasalamat ako kay kuya Drew , sya ang dahilan kung bakit may isang bakuko sa inyong harapan ngayon at sa lahat ng sumusuporta sa industriya.............. 
Pangalawa nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa industriya, sa mga gang tulad ng OPG ,TBS ,BNG ,BST, TCP ,TST , LLG at sa iba pa nating mga kapatid sa musika maging grupo man o solong katawan lalong lalo na sa maliliit na walang sawang sumuporta sa amin noon sa Dongalo sa inyo ko utang ang kung ano mang bagay at pagkatao meron ako sa ngayon . Kayo ang naging inspirasyon ko , kung wlaa kayo ...wala kmi at wala rin ang musikang ating pinakikinggan sa ngayon , wag nyo akong tingalain dahil magkakasama tyo sa itaas, hindi iba ang isang bakuko...kasama nyo ko sa mga pangarap nyo, handa akong tumulong sa pagtupad nito, makaka-asa kyo na sa taong 2011 lalabas ang magpapabago sa pananaw ng musikang pilipino lahat ay iiwanang nakanganga .......2011 po mga kapatid ...abangan ! 

Saturday, December 11, 2010

La Union's Dilang Kanto "New Breed from the North"

 Karaniwan dito sa Metro Manila sumisibol ang mga bagong Rappers sa Pinas. But because of the technology today, nabibigyan ngpagkakataon ang mga nasa malalayong lugar upang madinig at mapamalas ang kanilang talento. May isang Indie Label sa La Union that are making noise recently and they recently joined the Philippine's number 1 Rap label Dongalo Wreckords which is no surprise since hinakot nila karamihan sa awards noong Dongalo Rap Award 2.  Here is my little chat with La Union's favorite sons... Dilang Kanto....

Chucky:
  First of all congratulation sa pagkapasok sa Dongalo.....how does it feel na kasama kayo sa Dongalo Wreckords na arguably the most dominant label dito sa Pinas...EVER....

Ckatorze
its just like drugs in my skin coz i dont want to lose it! -_- 
 Atwist:
sympre nagulat kameng lahat na binigyan kame ng chance ni kuya drew na makapasok sa Dongalo wreckords kumbaga we EXPECT THE UnEXPEXTED :)
Argiel:
Simula nung sumali kami Dongalo Rap Award 2 at nakatangap ng award. sobrang saya namin umuwi sa La Union naging masipag kami sa pag gawa ng kanta. ang pag pasok sa dongalo wreckordz para sa amin ay isang pangarap siguro sa sipag at pagcooperate namin sa isat' isa natupad ung big dream namin ..salamat kay kuya Andrew E. kayo ang inspirasyon namin ang inspirasyon ng Dilang Kanto artist.
NaughtyDawg:
it feels great of course. at 1st it just a dream and it came true nga na mapasok kame sa roster ng dongalo. di namin ineexpect na mapapansin ni KUYA DREW.. -_- 


Chucky:
Cool...pero para sa mga hindi masyadong pamilyar sa Dilang Kanto especially sa mga nandito sa Metro...Ano at sino sino ang Dilang Kanto?
NaughtyDawg:
Ang Dilang Kanto ay binubuo ng ibat ibang grupo at solo artist dito sa San Fernando City,La Union & Candon City Ilocos Sur. bale nabuo ang dilang kanto dahil sa pagkakapanalo namin ng ibat ibang category nung Dongalo Rap Awards 2 noong MARCH 8 2009. ang Thug Team & si Marquiz nag-tie for (BEST HARDCORE RAP). Manifesto at Prisoner's Ink nag-tie naman for (BES LOVESONG RAP). and finally CKATORSE & MARQUIZ(ulit.. hehe) nagtie for (RAPPER OF THE YEAR).

Roster ng Dilang Kanto:
Original:
Thug Team (Naughty Dawg & Bastimo)
Prisoner's Ink (A-Twist & Marquiz)
Manifesto (Llue & Argiel)
C'katorse (Solo)

New:
Mayor (Solo)
Deckwatrow (Jhay-Z,D-sastah,Co-G & Jolo)
Discipulo Famila (andame nila di ko kabisado lol)
Chucky:
anyone of you guys na ever na considered entering another label bukod sa Dongalo??why?
NaughtyDawg:
hmmmm. para sakin DONGALO lang talaga gsto ko pasukan.. kaya nung nabalitaan ko yung unang DRA, nagpasa ako ng demo before eh. THUG CLAN pa name namin dati and sa PRISONERS INK eh JOJO CREW pa. kaso walang nakapasok samin. hehehe ayos lang mabibigat kase kalaban namin dat time na nagpasa like NYFP.. PDK.. SAWAKU.. PRIME SUSPECT.. na ngayon dongalo na din..^^ pero siympre since nagsimula talga ako sa pagiging NET RAPPER pumasok at nag-apply ako sa SANDAMUKAL..nareject kame nung una (im talking about my krew THUG TEAM).kase parang mey mini production ako tinayo eh ung KABAGIS PRODUKSHIZZLE pa..eh bawal sa sanda na mey ibang LABEL/PROD.. tas yun eh dat time si BUGOY NA KOYKOY mey FOB ENT. hayun nakapasok kame tas pinasok ko din ung JOJO CREW na mas kilala na ngayong PRISONERS INK.. tas ayon nagkaproject din kame sa FOB/BUGALA BEATS ni sir BOOGIE.. ung track na "PABAYUHIN ANG LA UNION" after isang taon ang nakaraan ayun naging busy si sir bugoy sa hustle nya dati sa tate eh ayun nagdesisyon akong iiwan yung LABEL nya at magbasakali sa sanda ulet at ayun nga nung 2nd application namin na aprobahan na ni sir DIKONG..and the rest is history..

Bali sa mga grupo sa dilang kanto mey mga indie labels na dongalo affiliated padin.. kame(thug team) sandamukal records, prisoner's ink (tugmaan records) si ckatorse shotsfired. ^_^ diba ang galing? hehehe biro lang.
Chucky:
sila Marquiz at ckatorze pwdeng makipagsabayan sa mga "hardcore" style na tirahan pero napaka lalim parin..ako personally im a fan of Marquiz at kahit si naughtyDawg..he can go hardcore if he want..anu pa meron ang ang Dilang Kanto at ano plan nyo any mixxtapes coming out?
NaughtyDawg:
mixx-tapes? kame yung tipong di panay drawing lang.. gsto plantsado lahat.. tska panigurado kapag lumabas worth it sa mga tenga ng mga makikinig.. :)
Chucky:
sa bagay
yung mixxtape ng Dilang kanto
para sakin maganda :D
pero masasabi nyo ba na kayo...
Dilang Kanto ang
dominant force dyan sa La union
pag dating sa larangan na to?
Marquiz:
In my opinion Lyrically we dominate the whole north...pag dating sa mga movement ewan ko where we rank..Pag sinabi mong larangan na to?kasi about real issshhh about life,hip-hop and the streets yan ang real forte namen pero pag sinabi mo larangan about club songs and love songs I think naging mature na kami jan once in a while na lang kami gumagawa sa mga nakikita ko.

On a personal note ang mindset ko is to make mind boggling tracks with the use of real facts as metaphors. Kaya sometimes I dont endorse people to listen to my music kasi not everybody wants analyze things while listening to a song tingen ko ata wala kaya yun sana naka-tulong pinost ko :D
Chucky:
maniwla ka nakatulong...im a big fan of you pre...
nung sinabi ko sa "larangan na to" i meant as a whole..music...street...gigs...na pag sinabing La Union...ang nasa isip ng ta " ah Dilang Kanto"....ako personally pag sinabing La Union...Dilang Kanto nsa isip ko..cguro nga sa gigs medyo hindi kayo ganun kaingay...pero sa mga tipo ng mga pinapakwalang kanta..bow down ako sa inyo
Marquiz:
Yup tumbok mo hahaha :D salamat din Idol sana lahat nang nakikineg parang ikaw eh pwede nang manalo si Loonie at Don G sa mga awit awards hehe more power
Chucky:
Last words shout outs para sa mga tao guys....
and what to expect from Dilang Kanto sa darating na taon.
NaughtyDawg:
salamat sa lahat ng tumulong at sumusuporta samin utang namin sainyo to..at mga kapwa kapatid sa dongalo.. we aint goin no where.. dongalo hanggang mamatay

 


 


 

Boo-g of DFT interview

 Dongalo is considered as the most Dominant Rap Label here in the PI "ever" .  At ang dami nilang na produce na rapper na ma co-consider nating mga alamat na sa Rap dito sa bansa. Noong Dekada Nobenta na aking tinatawag na Golden Age ng Rap sa ating bansa (80's ang Genesis era) karamihan ng nagka album noon ay talagang naka pag inspire ng mga future rappers na until now sinasabi nila na na inspired silang maging rapper dahil sa mga artists na nagmula noong 90's. Back in the 90's may isang rap group known as 
DFT (Dirty Fuckin' Teenager), (Dance Floor Terrorist), (Disciples From Temple) from Dongalo Wreckords and they made 3 albums with hits like  "C-Noba?" and "Sabihin mo sa ate mo" here is an interview with Boo-G of DFT . Balik tanaw sa nakaraan and know what to expect from DFT ( a reunion album perhaps)




Chucky:



Salamat sa pagkakataon... a little history muna behind DFT ,
 paano nagsimula ang isang maalamat na grupo :)


 Boo-G:


  DFT nabuo nung 1991 as a dance group.Back up dancer of Bass Rhyme Posse. We meet in PULSE disco in Pasay road. When they were promoting their album BRP. We started to back up them in Andrews E's Gamol Live tour in EARIST. After that when BRP were no longer active, we decided na magbuo ng rap group. Kasi si Twisted may mag kantang naka ready na so naghahanap nlang kami ng magpproduce sa amin.I was working as a P.A of Father and Sons ( who sing miss na miss kita) and we have a friend named Bigtime (who sing salangit wala ang beer) na nag inganyo sa amin na gumawa ng album and that time na sya ang nagproduce ng 1st album namin DFT (rappers TWISTED,BOO-G & MC DREAMER dancer YELLA FELLA, MALVIN, BUBOY, ROGER,EMAN,). We made that album in two weeks only kasi minamadali kami para sa promotions nila.So we made that album just to enjoy.Then after a few months na ilabas namin yung album. Nagkita kita kami nila Andrew (Andrew E.) sa Megamall. And sabi nya na kung may mga kilala akong mga rap group kasi gusto nyang magbuo ng group. So dun na umpisa ang Ghetto Doggs. Nung kinuha kami ni Andrew wala na si MC dreamer sa amin. Kaya pumalit sa kanya si YELLA FELLA at wla na rin kaming dancer nun. After that, tuloy tuloy na hangang nakagawa kami ng album under Dongalo Wreckords producde by Andrew E distributed by Concorde Records. After that, nagpaalam kami kay Andrew na gusto naman namin na gumawa ng sarili naming album and produce also so ni-released nya kami at pinagpatuloy namin ang 3rd album sa Concorede pa rin. So until now buo pa rin ang DFT at wlang magbabago dun... 


Chucky:

 Cool...ang nagbago lang eh naging busy kayo sa mga trabaho nyo na yun ang reality, need nyo to have a day job right? Kaya tumahimik. Yung sa last album nyo how did you guys decided to lay low muna nung nawala kayo sa scene?


 Boo-G:
  
 As of now alam mo naman may mga pamilya na kami except for Yella Yella na ewan ko hangang ngayon binata parin.hehehehe... Well actually hindi naman kmi nawalan ng communication sa isat isa eh. We still having some gigs even na sa pinas kami. Pero priority namin yung family namin slemper. Nagkaron kmi ng mga pamilya kaya nag lay low muna at pinalad kmi na makapag abroad kaya grab namin agad at di lang yun, magksama pa kami sa isang bansa ni Twisted yun lang, gusto nmin kunin si Yella kaso mukhang ayaw pa ata kasi nga gustong magkaron ng pamilya kaya nsa kanya yun.Pero nandun parin yung communication. Dito sa Dubai pinagpapatuloy parin namin ni Twisted. Actually dito sa Dubai pumirma si Twisted ng contract for artist kaya gumagawa kami dito ng album. Every time na may occasion sa isang club ng gguest kami specially sa Ratsky Dubai. So pag natapos yung album tsaka nmin dadalhin sa Pinas. Tie up ng isang company dito ung company dyan sa Pinas. Medyo busy kasi sa work kaya di namin maatpos tapos eh. Tsaka kulang isa kmi. Hopefully this January uwi kmi para matapos yun album at ilabas dto sa Dubai, kailangan kasi nmin si Yella para sa part nya eh. So nasa matapos agad at magkaron comeback album ang DFT.hehehehe....


Chucky:

 Kasama kayo sa first batch ng Dongalo artist at sa original Ghetto Doggs, paano ang atmosphere noon sa Dongalo kasi diba noon halos lahat ng ginagawa nyo una kayo. Dongalo was breaking grounds nung mga panahon na yun at hanggang ngayon madami nagsasabi na yung first batch na yun madami na inspired na maging rapper ngayon.


 Boo-G:

 Yup, isa kami sa mga original Ghetto Doggs. Kasama namin ang oblaxz, IPK, Madd poets, Chinese Mafia at si Syke late na pumasok ang BB clan nung magkaron ng DM (95.5).Marami samin nangyari nun, halos everyday nasa studio kami minsan dun na kami natutulog.Halos ilang buwan din kaming magkakasama sa isang bubong. Kahit san pumunta din at magpromote si Andrew nandun din kami. Well masaya at mahirap din nung mga panahon na yun. Almost 1yr kaming nagconcentrate sa album(R.A.P, Ghetto Doggs album at 2nd album of DFT). May mga nawala, may mga nagreklamo, at nagpalit ng member.Well di mo mawawala yun sa group unless kung maganda yung samahan ng group diba? Kay Andrew kami natuto lahat maski may 1st album na kmi nun. Maski tanong mo sa lahat ng kasama namin sa Ghetto Doggs, si Andrew ang naghubog samin kung baga. Kahit san kasama nya kami madalas ako kasama nya minsan nagbbeatbox ako sa mga gigs nya, minsan hypeman..hehehe... 
Anyway... sa paggawa namin ng album di mawawal samin yung on the spot lyrics, mahilig si Andrew sa mga ganun sa recording. Especially nung ginawa namin yung 530 Sta. Rosa, Nicnak Patty at iba pa. Lahat ng idea kay Andrew kaya siguro maganda ang labas nun 1st batch ng Ghetto Doggs. Tsaka iba iba ang flow ng mga bawat group at identity. Tulad namin, iba ang flow namin sa IPK, OBLAXZ, sa Mad Poets sa Chinese Mafia at BB clan. So sa tingin ko nung 1st batch ng Ghett Doggs nandun na lahat. Kumpletos rekados na. Pag gumawa kami ng lyrics, lahat kami nakikipag communicate para gumanda yung album mapa lyrics or beats. Hindi kmi gumagawa ng sarili namin move lahat kami gumagalaw. Kaya siguro maganda yung labas ng album.


Chucky:

  Napaka ganda..yung Ghetto doggs cd ko nga na unang album binibili sa akin ng 1000 ayaw ko...Ganun ka precious ang unang album ng Ghetto Doggs..After ng Born to kill the devil, nagsimulang nag alisan mga artist ng Dongalo to form MadWorld. Did you ever consider joining them?


 Boo-G:

  Di ko alam yung MADWORLD eh.Pero alam mo, nung nakagawa ng album ang oblaxz kay Andrew sinunod nya kami. Binigyan kami ng opportunity ni Andrew kung ano ang gusto namin after ng 2nd album namin. Binigyan nya kami ng tip kung ano ang mas magandang gawin. After ng album naming Sabhin mo sa ate mo? nag usap usap kaming tatlo na gumawa naman ng sarili naming project yung bang samin lahat alam mo na. Nagpaalam kaming tatlo ng maayos sa kanya pinayagan nya kami at pumirma ng contract na maaari na kaming makagawa ng album sa ibang company. Mula nung nagstart kaming magpromote ng 2nd album, wala kaming nakausap ni isa man lang sa mga naging kasama namin sa Ghetto Doggs maliban lang kay Paulo (Cain of El Latino)na madalas kaming nagkikita pero di namin pinaguusapan ang mga past. Bonding lang ng barkada ang mga nagyayari samin nun kaya nagkaron kami ng spot for him to guest in our 3rd album. Umalis kami kay Andrew na wlang tampo o galit sa kanya at sa iba naming kasama. Basta gusto lang namin na mangyari eh makagawa nang sarili naming album na kami kami lang. Actually nagawa na namin yung gumawa ng sarili namin yung CNO BA? album. Kaso hindi masyado napaghandaan yun kaya gusto namin ulitin. Anyway ang pagsali sa sinasabi mong madworld , wla kaming alam dun. Di rin kami sasali sa ibang group kung siraan din ang illabas  Magkakababata kaming tatlo kaya alam namin ang gusto ng isat isa. Kung ano man ang gusto ng mga ksama nmin dati sa Ghetto Doggs malaya silang gawin yun wlang makakapagpigil sa kanila. Basta kami tahimikat music lang ang gusto namin. Makapagbigay saya at makapagbigay inspirasyon kung anoman ang nilalaman ng bawat album namin . kung igguest lang sa kanta wlang problem basta no dissing people diba?

Chucky:

 Wow well said,  ang galing kung ganyan ang state of mind ng ibang rapper dito sa Pinas wala na sigurong masyadong gulo . Napaka bihira nyan..mga rapper na ayaw ng beef,
sa panahon ngayon?? ano masasabi mo scene ngayon?? Mga rapper na nag stand out ngayon?
 



 Boo-G:

 Well masasabi ko maramng magagaling na lumabas. Marami din hindi magandang pakingan para sa akin ha... Di mo maalis ang beef sa rap scene eh, dyan nagsimula ang rap."battle" sa US. Kinuha natin sa kanila to kaya di rin maglalaon ganun din lalabas diba? Nasa tao yan kung yaw mo or gusto mo makigulo. Pinalaki kami kasi ng magulang namn na ganito kami eh wlang inggit sa isat isa. Basta kami masaya kaming 3 at nagkakaisa. Hangang ngayon actually bonding ng family namin di mawawala yun. Lalo nat may mga anak na kami sila rin ang magkakalaro. Siguro sa mga naglabasan bigayan lang ang kailangan dyan para di pumangit yung imahe ng rap artist at rap industry natin.Basta may maiiwan silang nakamarkang matatandaan ng tao sa paglipas ng panahon dia?


Chucky:
  
 Tama..Thanks for the time...Last word nalang po para sa mga fans..Rappers at sa mga nangangarap na maging rapper din....Pati ano po ang dapat naming asahan sa new album nyo .


 Boo-G:

 Well masasabi ko lang sa mga nangangarap maging rap artist, pagpatuloy lang nila yan at pagbutihin wag ilagay sa ulo ang mga nagaganap na pagunlad ilagay sa puso lalong lalo na maging mapagkumbaba sa lahat na nakakamit. umangat man kayo ang paa plagi nasa lupa. Hiram lang natin lahat ang nagaganap kaya i-treasure nyo yan. Sa mga fans ng DFT, maraming maraming salamat na wlang katapusan na salamat. Kung ano man ang naumpisahan ng DFT hindi magbabago yun at hindi matatapos yun hangat buhay kami. Sa mga nakikinig at nagsusubay sa amin asahan nyo may ksunod pa ang iniwan namin, at buong buo ang DFT. Panalangin nlang natin na maatpos ng maaga para mapakingan nyo na.hehehehe.... at syo Jeric, salamat sa pagtangkilik mo samin di lang sa buong Ghetto Doggs, sa lahat na lumalabas na group. Pagpatuloy natin sa pagtangkilik ng rap music ng pinoy. Asahan nyo sa DFT mula sa production, clothing, at music. lalabas namin yan sabay sabay as soon as possible!!!!! peace out!!!!!