Tuesday, August 25, 2020

Omar Baliw interview po!!

 

 

 May mga rapper paren ngayon na pwede mo kuhaan ng inspirasyon sa buhay. Mga rapper na ma inspire ka mag sipag both base sa kanta nila at sa diskarte nila sa buhay, mapapa kayod ka din sa pag hustle.

 The guy behind High Minds Clothing,Mr. Kalmado himself..

Omar Baliw po!!

 
CHUCKY:
 Salamat sa pagkakataon Omar salamat sa oras alam ko naman na busy kang tao. Unang tanong ay kelan ka unang na hilig sa pagra rap at pano nabuo si Omar Baliw from Omar Manzano.

OMAR BALIW:
 2008 ako unang nag rap, panahon ng mga rap contest sa mga barangay. Yung Omar Baliw na pangalan sinabi lang din ng tao yan kase parang baliw talaga ko mag perform dati.

CHUCKY:
 Pano ka na pasok noon sa Tugmaan Records at gaano kahirap at that time para mapansin sa rap scene.

OMAR BALIW:
 Naghanap dati si Macwun ng miyembro tapos nagpasa ako. Kinuha nila ako. Sa totoo lang rap lang talaga ko that time kaya di ko rin napansin kung gano kahirap mapansin. Hahaha.
 
CHUCKY:
 Tapos nakasama mo sila Koy at Ives na at that time may mga pangalan na, eto yung bago pa magka 2 Joints. Pano yung buong experience nyo noon na ginagawa nyo yung Mixtape na Walang Patakaran? 

OMAR BALIW:
 Yeah. Sobrang solid nun. Nag trip lang din talaga kame nun. Nag rerecord kame kina Koy nun gamit namin malaking TV. On the spot na hanap ng beat, on the spot na sulat, ganun lang. Para kameng naglalaro lang

CHUCKY:
 Tama yan yung time na sa  BGC pa based si Koy. After nyan nag focus ka na sa negosyo which is HIGH MINDS CLOTHING na patok na patok at sinabay mo sya halos nung pumasok ka din sa FlipTop. Pano mo na balance ang time at focus mo between sa dalawang yun na pareho ka din naging successful.

OMAR BALIW:
 Sa una hirap ako kase day job, HGHMNDS at battle. Kung saan ang mas kailangan andun ako. Sagadan lang din talaga ng oras hanggang sa bitawan ko lahat tapos nag focus ako sa HGHMNDS. Sabi ko isa isa lang muna. Then ayun okay naman na sa ngayon.

CHUCKY:
 From online shop sa facebook nagkaron ka ng store sa may tapat ng Makati Park tapos sunod dun naman sa dulo ng BLISS nag bukas ka ren tapos sa Manila at nagkaron ka naren patahian. May panahon ba noon na parang pinang hinaan ka ng loob dahil bukod sa mga hustle mo is pamilyado ka din , ano yung state of mind mo noon looking back ngayon masasabi mo na yun naging motivation mo para di huminto at lalo magsipag.

OMAR BALIW:
 Nung nagkapamilya talaga yung turning point eh. Kumbaga yun yung gumising saken na hindi na pwede yung paulit ulit lang na lumilipas ang araw. Kelangan may resulta na talaga. Ayun lahat inaral ko sa business side awa ng Diyos okay naman ngayon.

CHUCKY:
 About sa music mo naman, recently nagiging active ka ulit sa pag labas ng mga kanta at yun nga may bago kang album "Omar Baliw Po". From "Tangina Song" to "Natuto Lang" and yung mga song ng banda mo na Reggae  andun yung growth mo as a musician. Pano mo ma describe yung metamorphosis mo music wise .

OMAR BALIW:
 Wala rin talaga nagbago para saken. Laging babalik tayo sa ginagawa natin. Laging babalik ako sa music. Sobrang daming bakanteng oras lang talaga dahil sa pandemic. So ayun mas madaming music.
 
CHUCKY:
 Still about music.. Noong bago ka palang marami kang gusto maka collab, sino dun ang mga naka collab mo na sa kanta at sino pa gusto mo makasama sa isang project? 

OMAR BALIW:
 Di ko pa naka collab pero Loonie at Ron Henley para saken kahit dati pa.

CHUCKY:
 Maraming salamat sa oras Omar...Last question at alam ko lagi mo sinasagot sa mga nagtatanong sayo neto is makinig sa songs mo pero.. Ano ang ma advice mo sa mga taong gusto maging successful na tulad mo, music, business and/or family.

OMAR BALIW:
 Walang titigil.....




HIGH MINDS CLOTHING

https://www.facebook.com/HGHMNDS/

OMAR B. MANZANO

https://www.facebook.com/omar.baliw

OMAR BALIW FAN PAGE 

https://www.facebook.com/OMARBALIWPO/ 

THE TANG INA SONG

https://www.youtube.com/watch?v=Vn5_hJ4jmfg

NATUTO LANG

https://www.youtube.com/watch?v=Cjppw7ZrMZ4

OMAR BALIW YOUTUBE CHANNEL

https://www.youtube.com/user/channelomarbaliw













No comments: