Tuesday, October 8, 2019

HBOM 40FIED...an explosive comeback of a legend


     Its time again for another legend from the 90s to share his stories during the days when youtube and spotify are not even a word yet. Here is someone that is a legend not only on the underground but also made a swift transition to mainstream and with 4 albums under his belt, there is no denying that he is a true legend in his own right sa Pinoy Hip Hop. With his comeback album entitled HBOM 40FIED already release lets hear from Mr. PJ “Hbom/Sketch” Segovia himself.








CHUCK:
  Hi, thank you and it's an honor and privilege to have you here with us. Magpapaka fanboy muna ako. High School days, Ms. Tindera and Misteryosa and Mahal Kita featuring none other than Ogie Alcasid ang maingay sa radyo noon and as a fan inaabangan namin palage yun. First question, who is HBOM how it started as a group then morphed as a single artist.


HBOM:
   Nagumpisa ang HBOM as Ghetto Boyz tawag samin, tapos pinakilala ako ni Von (4 East Flava) kay Mastershock. Dun na namin binuo yung Misteryoza sa bahay ni Mastershock. Pinasa namin sa Neo Records, sa awa ng Diyos nagustuhan nila. Tapos nun nag solo si Mastershock dun na ko nag solo at linabas yung Miss Tindera sa 
OCTO ARTS EMI.


CHUCK:
  This was the 90s. The internet was non existent, tapos ang alam ng mga tao back then kapag sinabing Rap was the late great Francis M. and his makabayan type of rap and Andrew E's funny and witty rap songs. Mismong pag gawa ng beats and recording at that time is medyo mahal di tulad ngayon na may free beats ka na at for a couple of hundred pesos may Microphone ka na. How hard was it to break through?


HBOM:
  Sobrang hirap talaga nung 90s, kasi nga walang social media. Pag di nagustuhan ng recording company at radio stations mga kanta mo wala ka na agad. Buti na lang nagustuhan ni Jett Pangan yung Misteryoza at linakad nya kami sa viva records. Iba talaga mga panahon namin nung 90s pahirapan talaga at kailangan solid mga kanta mo otherwise di ka mapapansin




CHUCK:
   Lets take a step back, what made you fall inlove with Hip Hop? Sino yung mga early influences mo sa loob at sa labas ng Hip Hop.


HBOM:
  Bata pa lang ako nag break dance na ko, dyan talaga ko nagumpisa sa pagsasayaw 1980s pa yun. Then in 1984 lumabas si LL COOL J nagustuhan ko mga kanta nya, RUN DMC, NWA,  BEASTIE BOYS,  PUBLIC ENEMY, BIG DADDY KANE,  TOO SHORT, yan ang mga influences ko, pinapakinggan ko nung highschool ako.
  Tapos nung dumating ako sa pilipinas in 1991, syempre Francis M.


CHUCK:
 Looking back, sino yung mga artists noon na gusto mo sanang maka collab sa isang kanta at sino sa mga current roster ng mga rapper sa bansa ang gusto mong maka collaboration sa kanta?


HBOM:
  Noon plano na sana maka colab si Francis M kaso bumalik na ko ng states so di na natuloy, 4 East Flava wouldve been fun, Apokalipsis, sa ngayon masarap maka colab si Smugglaz, Estranghero pero natupad na yun dahil may colab na kami, Zargon, Gloc 9.


CHUCK:
  About your new album HBOM 40FIED na lumabas nung October 1 lang, how would you describe tha album at ano yung nag inspired sayo to release a comeback album?


HBOM:
  The album talks about real life, tulad ng song called MOM, sinulat ko yun dahil this year nung march nawala na sya, at yung song na EYO talks about reapecting other people and other peoples relationship. Na inspire lang ako dahil dami nagsasabi na maglabas daw ulit ako ng album kasi last time was 1999. Eh syempre hanggat may nakikinig at tumatangkilik kailangan pagbigyan hanggat may napapasayang tao. May colab din kami ni Dash Calzado ng Legit Misfitz dito title BENT, at  yung colab namin ni Estranghero title Abante.



CHUCK:
  One last thing, ano masasabi mo about the state of Hip hop today?
Both as an artist and as a fan.


HBOM:
  As an artist masaya ko dahil napaka lakas ng hiphop ngayon, napaka hirap ng pinagdaanan namin nung 90s para maging mainstream ang hiphop. So ngayon na malakas sa Pinas, napaka saya ko. As a fan, sana magkaisa ang hiphop kasi puro bashing ang nagyayari at nangingibabaw sa lahat. Mas magiging malakas siguro kung magkaisa mga artists


CHUCK:
  Thank you very much for the time, again napaka laking karangalan para sa akin ito bilang isang tagapakinig at tagahanga. Your message to everyone reading this both new school, old school or as we call ourselves..true school.


HBOM:
  Message ko simple lang. kung wala kayo ay wala kami, and coz of that maraming maraming salamat sa inyong lahat 🙏

.


Miss Tindera
https://www.youtube.com/watch?v=LFRdIU1JBYI

Misteryoza
https://www.youtube.com/watch?v=3Y2-g5bpw_M

Mahal Kita
https://www.youtube.com/watch?v=lFvJ-ynTDEQ